top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg
Search

ni Mervin Reyes @News | October 31, 2026



P3.20 dagdag-presyo sa gasoline, P0.60 rollback sa diesel

Photo: File / Comelec



Muling bubuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration sa Nobyembre 10, 2026, bilang paghahanda sa 2028 National and Local Elections (NLE).


Ayon kay Spokesperson Director John Rex Laudiangco, mahalaga ang maagang

paghahanda upang matiyak na malinis, maayos at sistematiko ang listahan ng mga botante sa bansa.


Magtatagal ang registration hanggang Hulyo 30, 2027. Bukas ito sa mga first-time voter, nais maglipat ng rehistro, mag-update ng impormasyon, at magpa-reactivate ng kanilang voter records.


Sa kasalukuyan, nasa 69 milyon na ang rehistradong botante sa Pilipinas. Inaasahang aabot ito sa 72 milyon pagsapit ng 2028 elections.




 
 

by BRT @News | October 3, 2026



Courtesy- Office of the Comelec Spokesperson

Photo: Office of the Comelec Spokesperson



May ideya na ang Commission on Elections (Comelec) kung sino ang posibleng nasa likod ng pre-shaded official ballots na natagpuan sa Maluso, Basilan, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.


Sinabi ni Garcia na alam ng Comelec ang “chain of custody” ng mga balota at posibleng magsampa ng electoral sabotage charges matapos ang imbestigasyon at due process.


Aabot sa 16,563 balota mula sa 36 polling precincts ang natuklasang pre-shaded bago ang halalan. Dahil dito, nagpagawa ang Comelec ng bagong mga balota at naantala ang botohan sa lugar.


Labing-anim na katao, kabilang si Maluso Mayor Hanie Bud at ilang lokal na opisyal, ang pinadalhan ng subpoena upang magpaliwanag. Nilinaw ni Garcia na hindi ibig sabihin nito ay inaakusahan na sila ng paglabag.

 
 

ni Madel Moratillo @News | Mar. 4, 2025



  • Comelec Chairman George Erwin Garcia

Photo File: Comelec Chairman George Erwin Garcia


Inimbitahan ng Commission on Elections (Comelec) ang TV contestant sa isang beauty pageant ng isang noontime show. 


Una rito, nag-viral ang video ng nasabing contestant matapos sabihing wala siyang masyadong alam sa Comelec nang tanungin ng host sa mensahe niya sa komisyon. 


Ang 20-anyos na contestant ay hindi pa rin daw umano nakakaboto. 

Wala rin aniya silang telebisyon at hindi rin umano masyadong lumalabas sa social media account niya ang tungkol sa Comelec. 


Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nais nilang ipaalam at ibigay ang mga impormasyon sa dalaga hinggil sa mandato at mga gawain ng ahensya. 


Batid ni Garcia na may ibang kabataan pa ang hindi lubos na nalalaman ang Comelec kaya't importante talaga ang pagpapaigting ng voters education.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page