- BULGAR
Para sa 18th b-day… ANAK NI SUNSHINE, KASAMANG NAG-CELEBRATE SI CESAR AT BAGONG PAMILYA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 28, 2022

Sinopla ni Sunshine Cruz ang basher na nagkomento tungkol sa paggawa niya ng bold movies noon.
Ayon sa basher, dahil sa pagbo-bold ni Sunshine kaya na-turn-off daw ang mister nito noon na si Cesar Montano at naghanap ng ibang babae.
Buwelta ng mestisang aktres sa basher, “You know nothing about our lives."
Aniya pa, mag-move on na lang daw ito dahil sila raw ay naka-move on na. Besides, hindi naman niya kilala ang basher.
Ayon pa sa aktres, hindi rin daw niya alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Cesar.
Sa ngayon, annulled na sina Sunshine at Cesar. May karelasyon na si Shine, si Macky Mathay, gayundin si Cesar.
Marami ang natuwa na matapos ang mahabang panahon ay nagbahagi si Sunshine ng picture ng mga anak kasama ang dating asawa.
Nag-celebrate ng 18th birthday ang anak nila ni Cesar na si Sam. Ipinost ni Sunshine sa kanyang IG account ang larawan ni Sam kasama si Cesar at ang mga kapatid nito sa ama.
Ang caption na inilagay ni Sunshine: "And just like that my princess is now a lady. Thank you for sharing some of your birthday celeb photos/videos to me (swipe). Masaya ako you got to spend your birthday with your siblings, Tita Kath and Dad. Ramdam ko ang kaligayahan mo, anak.
Again, Happy 18th birthday! I can't wait to see you and celebrate with you tonight Sam.
"Thank you to my Underage family for today."
Ang Tita Kath na tinutukoy ni Sunshine ay ang current partner ni Cesar.