top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Para pag-usapan ang Maid in Malacañang… WORD WAR NINA DIREK JOEL AT DIREK DARRYL, SCRIPTED LANG DAW

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 26, 2022




Maraming netizens ang nagsasabing hindi na dapat pinatulan ni Direk Joel Lamangan ang mga patutsada sa kanya ng baguhang direktor na si Darryl Yap.


Magkaiba sila ng level ni Darryl. Kung tutuusin, multi-awarded na si Direk Joel at wala nang dapat patunayan pa.


Hindi siya dapat ma-insecure sa mga baguhang direktor na tulad ni Darryl Yap na nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan. Tuloy, tumaas ang mileage ng popularity na nakuha ni Direk Darryl.


Ang hamon naman ng mga bashers kay Direk Joel Lamangan ay gumawa ng sarili niyang version ng Maid in Malacañang kung para sa kanya ay salat sa katotohanan ang istorya na idinirek ni Darryl Yap.


Pero, may duda naman ang ilang grupo na ang pag-iingay at “word war” nina Lamangan at Yap ay scripted lang upang mapag-usapan at kumita ang Maid in Malacañang na produced ng VIVA Films.


Pareho kasing gumagawa ng pelikula under Viva ang dalawang direktor at magkasama sila sa iisang produksiyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page