top of page
Search
  • BULGAR

Para matapos na raw, Marian… DINGDONG, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA MAY ANAK KAY LINDSAY

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 10, 2024



Showbiz Photo
File photo: Lindsay de Vera at Dingdong Dantes - FB

"Kapuso D Day" kahapon at talaga namang ipinakita ng GMA-7 na si Dingdong Dantes pa rin ang nag-iisa nilang Primetime King o Kapuso King sa bonggang exposure na ibinigay sa aktor para sa muling pagpirma nito ng kontrata sa Kapuso Network.


Twenty-six years na pala si Dingdong sa GMA-7 at loyal Kapuso talaga ito. 


At kahit naman noon, kapag natatanong namin siya sa mga interviews kung kahit ba minsan ay naisip niyang mag-ober da bakod sa ABS-CBN at maging Kapamilya, consistent ang sagot niya sa amin — sa GMA-7 na siya tatanda dahil ito ang "kapuso" at "kapamilya" niya na nagbigay sa kanya ng malaking break sa showbiz at hanggang ngayon ay patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.


Bukod nga sa bonggang contract signing ni Dingdong na dinaluhan at sinaksihan ng mga Kapuso executives sa pangunguna ni Mr. Felipe Gozon (retired GMA Network CEO), may guesting din si Dingdong sa Fast Talk with Boy Abunda ni Tito Boy Abunda at may interview pa kay Nelson Canlas para sa show nito.


And as we expected, hindi nga nakaligtas si Dingdong na matanong ni Tito Boy sa latest controversy na namang ibinabato ngayon sa mister ni Marian Rivera.

Just last week lang kasi ay nag-viral sa Facebook ang nabuhay na namang isyung diumano'y may anak si Dingdong sa dating Kapuso actress na si Lindsay de Vera.


Kaya naman, diretsahan nang tinanong ni Tito Boy si Dingdong, "Totoo bang nagkaroon ka ng anak kay Lindsay de Vera?"


Diretso rin naman ang naging sagot ni Dingdong, "Wala po. Hindi totoo." 

Although inamin ni Dingdong na nagdalawang-isip din naman siya kung sasagutin pa ang isyung ito sa guesting niya sa talk show ni Tito Boy dahil alam niyang isa ito sa mga puwedeng itanong sa kanya. 


Ang ending, nag-decide raw siyang sagutin na once and for all dahil ang dami na ring mahal niya sa buhay ang nagtatanong tungkol dito.


"May mga tumatawag na po sa akin, mga kaibigan, mga kamag-anak, mga nagmamalasakit. And because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, sa aking mga kaibigan , eh, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga ang aspetong ito para sa akin.


"I have a responsibility sa aking pamilya, 'di ba? To clear things like this because I love my wife. I love my family very much, my kids. that's why I'm saying that it is not true.


"So, once and for all, I'm clarifying na hindi siya totoo," dire-diretsong pahayag ng mister ni Marian Rivera.


Wala raw siyang idea sa motibo ng muling pagbuhay sa issue at ayaw naman niyang mag-assume na dahil ito sa pagba-blockbuster ng Rewind movie nila na Marian at gusto siyang ibagsak.


So, at least, straight from the horse's mouth (guwapong horse naman ni Papa D, chos!) — wala raw anak si Dingdong Dantes kay Lindsay de Vera.


Sana all, as in lahat ng celebrities ay tulad niya na hinaharap at sinasagot ang issue, hindi 'yung kung hindi magwo-walkout, eh, may pakiusap sa mga reporters na 'wag nang tanungin ang artista sa isyung kinasasangkutan nila.


Kudos sa aming Kumpareng Dobol D!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page