top of page
Search
  • BULGAR

Para makubinsi ang mga Pinoy na magpabakuna ng Sinovac, dapat pangunahan na ni P-Duterte

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 28, 2021


AKALA NG PUBLIKO MAUUNANG MAGPABAKUNA SA SINOVAC SI P-DUTERTE, HINDI PALA—Pangungunahan ni P-Duterte ang pagsalubong sa pagdating ng Sinovac vaccines sa bansa.


Bakit pangunguhanan lang ang pagsalubong? Dapat bilang pangulo ay pangunahan din ni P-Duterte ang pagpapaturok para mahikayat niya ang mga Pinoy na magpabakuna ng bakunang gawang China, period!


◘◘◘


MALI ANG AKALA NI ROQUE NA MATUTUWA ANG MGA TAGA-PGH SA SINOVAC, HINDI PALA KASI AYAW NILA NG BAKUNANG ITO—Ibinida ni Presidential spokesman Harry Roque na darating na ngayong araw na ito ang pinakahihintay nang lahat na Sinovac vaccines, at kabilang sa matuturukan nito ay health workers ng PGH (Philippine General Hospital).


Akala siguro ni Roque ay matutuwa ang mga taga-PGH sa kanyang sinabi kasi imbes na pagkatuwa, batikos ang inabot ng Duterte gov’t. sa mga health workers ng pagamutang ito, dahil ayaw pala nila ang made in China na Sinova kasi nga ay tila walang talab ito laban sa virus, dahil 50% lang ang efficacy nito, boom!


◘◘◘


DAPAT SA PAGLABAN SA COVID-19 ANG GAWIN NG MGA BARANGAY CHAIRMAN SA DAVAO CITY, HINDI ANG ‘RUN SARA RUN’—Dahil marami pa rin ang tinatamaan ng COVID-19 sa Davao City kung kaya’t kabilang ang lungsod sa mga lugar na inirekomenda ng IATF (Inter-Agency Task Force) na muling isailalim sa GCQ (General Community Quarantine) sa buong buwan ng Marso 2021, at ang rekomendasyong ito ay inaprubahan ni P-Duterte.


Ang mainam na gawin ngayon ng mga barangay chairman sa Davao City ay tulungan muna si Mayor Sara sa paglaban sa COVID-19 sa kani-kanilang barangay para maprotektahan sa COVID-19 ang kanilang mga kabarangay kaysa ‘Run Sara Run’ ang inaatupag nila, period!


◘◘◘


KAPAG HINDI NAGLUBAY ANG MGA BARANGAY CHAIRMAN SA MAAGANG PAMUMULITIKA, DAPAT KASUHAN NA SILA NG DILG—Hindi lingid sa publiko na kabilang ang mga barangay chairman ng Davao City sa nagsusulong ng ‘Run Sara Run’ at katunayan ay nagpa-presscon pa sila, na magtutungo raw sila sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Kung hindi titigilan ng mga barangay chairman ang paglahok sa ‘Run Sara Run’ ay umaksiyon na ang DILG at patawan ng parusa ang mga ‘kapitan’ kasi imbes na tumutok sila sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa kanilang mga barangay upang hindi lumaganap ang virus sa kanilang mga nasasakupan, ang ginagawa ay maagang pamumulitika, boom!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page