Para makilala ang isa't isa… MAINE AT ARJO, NAGSAMA SA AMSTERDAM BAGO PA IKASAL
ni Nitz Miralles - @Bida | November 3, 2022

Nasa bakasyon ang engaged couple na sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza at pinusuan ng future mom-in-law ni Maine na si Sylvia Sanchez ang post niya. Hindi nag-comment si Sylvia, nag-post lang siya ng three red hearts emojis at hindi na sinagot ang tanong ng netizen kung magkasama sina Maine at Arjo.
Walang location ang post ni Maine kung saan sila nagbakasyon ni Arjo. Pero dahil sa Friet Point stand sa Instagram Story ni Maine na makikita si Arjo na nakatalikod sa camera at parang pinipili kung ano ang bibilhin, nalaman ng mga netizens na nasa Amsterdam sila.
Capital ng Netherlands ang Amsterdam, kaya malamang sa Netherlands ang original destination nila at nag-segue lang du'n. Saka, ipinost pala ni Maine ang flag ng Netherlands.
Maganda ‘yang ganyang nagbabakasyon ang couple na sila lang para mas makilala pa nila ang isa’t isa. Para kapag ikinasal na sila, hindi na major adjustment ang mangyayari.
Waiting na pala ang mga fans nina Arjo at Maine sa kanilang kasal na ang hula ng marami ay next year na magaganap.





Comments