Para makasama sa serye niya, Sharon… LORNA, SINABIHAN NI COCO NA MAGPAPAYAT AT MAGPAGANDA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 8, 2023

New look ang magaling na aktres na si Lorna Tolentino nang humarap sa press people sa nakaraang mediacon ng action seryeng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin sa Kapamilya Network.
Short straight hair ang bumulaga sa lahat na bagong hairstyle ni LT (tawag kay Lorna sa showbiz) kaya naman ang daming pumansin dito at pinuri siyang blooming dahil bumagay pa rin sa kanya ang bagong hitsura.
Natatawang kuwento ng aktres sa Q&A portion nang pansinin ang kanyang bagong looks, after 7 months daw mula nang magtapos ang FPJ's Ang Probinsyano ay tinawagan siya ni Coco para sabihang pasok na siya rito sa Batang Quiapo.
Siyempre, kailangan daw mapaiba ang karakter niya ngayong Amanda sa Lily sa Ang Probinsyano kaya nagpagupit siya ng buhok at ipinaiba rin ang kulay nito.
Hirit ni Ms. LT, "Ayaw nga niya (Coco) akong mag-makeup. 'Yun ang mga requirements.
Magpapayat, magpaganda, siyempre, 'yan 'yung mga requirements."
Oh, ha? Ganu'n pala! Kaya pala puspusan din ang pagpapapayat ni Megastar Sharon Cuneta dahil very vocal naman itong gustung-gusto niya uling mapasama sa cast ng Batang Quiapo pagkatapos sa Ang Probinsyano.
Anyway, bukod kay Lorna Tolentino, marami pang bagong characters na ipapasok sa bagong chapter ng Batang Quiapo na magsisimula na ngayong Lunes, May 8.
Kaya tutok lang nang masubaybayan kung saan papunta ang kuwento at ang direksiyon ng buhay ng bidang si Tanggol (Coco Martin) na bagong buhay na raw para sa kanyang pamilya at para kay Mokang (Lovi Poe) na kanyang love interest.





Comments