Para mahimasmasan daw after magwala… AWRA, PINAGPAHINGA NI VICE
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 25, 2023

Tatlong bagong kaso ang kinakaharap ni Awra Briguela dahil sa kinasangkutan niyang iskandalo sa isang bar sa Makati City noong Hunyo — ang light threats, grave coercion, at violation of the Safe Spaces Act.
Bukod pa ito sa nauna nang ikinaso sa kanya kinabukasan pagkatapos ng rambulan sa labas ng bar. Kinasuhan si Awra ng physical injuries, alarm and scandal, direct assault, at disobedience to person in authority.
Sa kabila ng patung-patong na kasong kinakaharap ni Awra, naghayag naman si Vice Ganda na tuloy pa rin ang suporta niya sa batang komedyante at hindi bibitiwan bilang talent ng It’s Showtime host.
Idineklara ni Vice sa exclusive interview sa kanya ni MJ Felipe para sa ABS-CBN news na talent pa rin niya si Awra sa kabila ng eskandalong kinasangkutan nito at sa mga kasong isinampa sa kanya.
Pahayag ni Vice, “There’s no truth doon sa isyu na iniwan ko si Awra noon. Aalalayan ko si Awra sa journey niya na ‘to.”
But when asked if true na pinagalitan o sinermunan niya si Awra, sagot ni Vice ay pinagpahinga daw muna niya ang kanyang talent ng ilang araw para mahimasmasan.
“Kasi, syempre galit din ako, eh. Mainit pa ang ulo ko,” pag-amin ni Vice.
Ipinaalam din ni Vice na maayos na raw ang kalagayan ni Awra ngayon. Ang ibig sabihin kaya nito ay ‘di muna pwedeng rumampa si Awra lalo na’t kasama ang mga barkada niya?
Na ayon sa aming mga sources ay mga TikTokers or content creators sa TikTok daw ang madalas na kasama ni Awra kung saan laging nasasangkot daw sa away ang alaga ni Vice kapag kasama niya ang mga ito.
Sana, nalinaw din ni Vice ang kumakalat na isyu na gumamit daw ng nakaka-high na drugs si Awra noong gabi ng rambulan sa bar.
Kasi naman ang name ni Awra, palaban talaga sa gulo, eh. ‘Pag binaligtad-baligtad ang letters ng name niya, nagiging “A-war.” At halos katunog din ng name niya ang salitang “away,” ‘di ba?
Anyway, ani Vice, Awra is trying to be better.
“Wala tayong magagawa, nangyari na 'yun. Magsisisihan pa ba tayo? Magmumurahan pa ba tayo? What can we learn from this, especially you? What can you learn from this experience?
How can this experience strengthen you as a person and empower you to be a better person?” say pa ni Vice.





Comments