Para lumutang… REGINE, PINAGBIGYAN SI JANELLA SA DUET NILA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 11, 2023

Puring-puri ni Regine Velasquez si Janella Salvador matapos ang kanilang duet sa A.S.A.P.
nitong nakaraang Linggo.
Ibinahagi ni Janella ang ginawa ng Asia's Songbird sa kanilang duet sa A.S.A.P. Natin 'To.
Sinabihan umano si Janella ng Asia's Songbird na siya na ang kumanta ng part na dapat ay para kay Regine para mabigyan siya ng mas mahabang exposure.
Aminadong kinabahan at pressured si Janella, pero masaya niyang ibinahagi na si Regine raw ang tunay na depinisyon ng pagiging isang reyna.
Satisfied ang Asia's Songbird sa naging performance ni Janella. Sa katunayan, humingi pa nga ito ng dispensa sa biglaan niyang hiling dahil nabitin daw siya sa part ng aktres.
Hindi naman ipinagkaila ni Janella na isa sa kanyang mga pangarap ay ang maka-duet ang nag-iisang Asia's Songbird.
Sabi raw ni Regine sa kanya, "Janella... Janella! Ikaw na ang kumanta ng verse ko."
Kuwento pa ni Janella, "That's what she said because she wanted me to have more singing parts.
I was nervous as this happened on the spot (which is why I kind of messed up the words), but I just wanted to immortalize this experience and show you what a true queen @reginevalcasid is. And now, I can finally cross-out… a duet with Asia's Songbird on my list."





Comments