top of page

Para linisin ang cheater image ng ex-BF… KYLINE, SINISIRA RAW NG KAMPO NI KOBE, IBINULGAR NA NANANAKIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 29, 2025



Photo: Kyline Alcantara - IG


Ini-repost ng kapatid ni Kyline Alcantara ang mensahe ng girlfriend niya kay Jackie Forster hinggil sa Kapuso actress.  


Wala namang masama kung ipagtanggol ng GF ng brother ni Kyline ang aktres dahil siya ang nakakakita ng katotohanan. Kaya lang, iba ang dating sa mga netizens na kampi kay Kobe Paras.  


Ayon sa isa, “Siyempre, kapatid ng BF mo, ipagtatanggol mo…”

May mga nagtatanggol din naman kay Kyline.  


Sey ng isa, “Wala tayong narinig kay Kyline na masama against Kobe. Sadyang may pics and vids talaga na pruweba na nag-cheat si Kobe. So, ano? Tapos, sila mismo, sinisiraan si Kyline para ma-justify ang cheating ni Kobe?”  

Komento naman ng ibang sawsawera’t sawsawero: 


“Halatang hindi pinanood ang video ni Jackie. February pa hiwalay, eh, April na ngayon, so paanong nag-cheat? Ang delulu kasi ng idol mo. Akala, babalikan pa s’ya ni Kobe kaya feeling n’ya, sila pa rin kahit inayawan na s’ya dahil nananakit at toxic s’ya!”


“Of course, she won’t say anything. Dapat s’ya ang kaawaan, ‘di ba? Till Kobe’s mom has to say anything. So gusto pa ba nilang ilabas ni Jackie ang mga bala n’ya?”


“At bakit ang GF ng kuya ang nagsasalita, hindi mismong pamilya ni girl? GF lang ‘yan, ha, pero si Jackie, mismong nanay ni Kobe, sinasabihan na ‘wag magsalita. Napaka-double-sided talaga ng mga tao. Basta physical abuse is PHYSICAL ABUSE, mapa-babae o lalaki, MALI ‘YAN!!!!” 


“Kasama sila sa bahay, girl. Malamang sa malamang kung sino magkakasama sa bahay, sila mas nakakaalam. Ginagamit pa rin ni Kobe car ni Kyline kasama ibang girl. Kahit pa ba hiwalay na, respeto pa rin.”


“Natural, ipagtatanggol n’ya si Kyline, eh, nakikitira rin ‘yan malamang sa condo ni Kyline, same as pagtatanggol ni Jackie sa anak n’ya. Tagal na nila nagkaayos at nanay pa rin s’ya ni Kobe, kaya may karapatan siyang mag-SONA lalo na NANANAKIT pala ‘yang babae. Kung si Kyline kaya ang sinasaktan physically, ganyan din kaya reaction mo? At hello, hindi lang ngayon issue ‘yan, ha, may rumored din na ganyan s’ya sa ex!”  


“Dapat idemanda ni Kyline si Jackie kasi sobrang damaging for Kyline ‘yung accusation that she is abusive. How can someone just accuse someone of physical abuse without proof and witnessing it first-hand, it’s a serious accusation.”


“Character assassination na nga ‘yung ginagawa nila para lang linisin ‘yung cheating issue. Maybe they capitalized on Kyline’s old issue para sabihing may pattern, kaso ang daming resibo that Kobe is indeed a cheater.”


Hay, naku, hangga’t may sumasawsaw sa isyu, hindi matitigil ang pagbabangayan ng magkabilang kampo.



Maraming netizens ang natuwa na todo-suporta ang magkaibigang Ruffa Gutierrez at Karla Estrada sa mag-inang Star for All Seasons Vilma Santos at Luis Manzano sa kanilang kandidatura sa nalalapit na eleksiyon ngayong Mayo.  


Si Ate Vi ay muling tumatakbo bilang gobernadora ng Batangas at running mate niya ang anak na si Lucky bilang vice-governor.  


Makikita sa Instagram Reel ni Ate Vi ang pagbati at suporta nina Ruffa at Karla sa kandidatura ng kapwa nila artista.


Mensahe ng dalawa, “Hello, Lucky! Congratulations, at siyempre, kay Ate Vi.” 


Ang simpleng pagbati nina Ruffa at Karla ay nagbigay ng inspirasyon sa marami, na sa kabila ng abalang buhay, mahalaga pa rin ang pagpapakita ng pagmamahal at suporta sa mga kaibigan.  


Pinatunayan nina Ruffa at Karla na tunay ngang may mga pagkakaibigan sa showbiz na tumatagal at lalong tumitibay sa pagdaan ng panahon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page