Para lang sa mayayaman ang pasko dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin
- BULGAR
- Oct 26, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | October 26, 2021
MAY bago raw variant ang Delta.
Panibagong pananakot!
◘◘◘
KINUMPIRMA mismo ni Mayor Sara na susuportahan niya si ex-Sen. Bongbong Marcos sa pagkapangulo.
Tapos na raw ang laban.
‘Yan ang ipinagmamayabang ng mga loyalista!
◘◘◘
MALINAW na nasapawan ni VP Leni ang kandidatura ni Mayor Isko.
Pinag-aawayan pa rin nila ang remnants ng Liberal Party!
◘◘◘
NAGSIMULA na ang vaccination sa mga menor-de-edad.
Mainam naman!
◘◘◘
SOBRANG taas ng singil sa toll fees.
Sobrang taas na rin ang presyo ng petrolyo.
Mas mabuti pa yata na mag-self-lockdown na lang sa bahay!
◘◘◘
INAASAHANG tataas nang todo ang presyo ng mga bilihin sa Pasko.
Mayayaman lang ang may Christmas!
◘◘◘
OPEN na ang mga sinehan.
Pero bawal ang holding hands at magkakatabi sa upuan.
Parang panahon nina Lolo at Lola, magkakalayo ‘pag nanonood ng zarzuela!
◘◘◘
ISINUSULONG na ang importasyon ng electric car.
Malulugi na ang mga gas station!
◘◘◘
IPINAGAGAMIT na ang 5G sa telecom.
Walang makakaligtas sa radiation!
◘◘◘
ALAM ba ninyong ang unang indikasyon ng radiation sa katawan ay ang pagkakaroon ng oxysomes sa dugo?
Ito mismo ay isa sa senyales na ang katawan ay dumidipensa kontra COVID!
◘◘◘
IBIG bang sabihin, ang COVID vaccines ay panlaban din sa radiation na nagmumula sa 5G?
‘Yan ay lihim na dapat saliksikin ng kabataan ngayon!





Comments