top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Para kay Jodi o kay Julia?... CLAUDINE: OKS LANG NA MAKASALANAN BASTA 'DI IPOKRITANG SINUNGALING

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2021
2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 12, 2021





Mahiwaga, makahulugan at pahulaan kung sino ang pinapatungkulan ni Claudine Barretto sa kanyang bagong Instagram cryptic post nu'ng Miyerkules, March 10.


Ayon sa post ng aktres, "I would rather be known in life as an honest sinner than a lying hypocrite..."


Ibig niyang ipakahulugan na mas gugustuhin daw niyang maging “honest sinner” kesa maging “lying hypocrite.”.


Hindi tinukoy ni Claudine kung sino ang pinatatamaan niya sa cryptic post, pero pakiwari ng ilan, kung 'di raw ito para kay Jodi Santamaria na bagong GF ng estranged husband niyang si Raymart Santiago, baka para sa pamangkin niyang si Julia Barretto.


Kung matatandaan, kamakailan lang ay may patutsada rin si Claudine kina Jodi at Raymart dahil sa 'pambabastos' diumano sa mga anak niya nang hindi agad ipinaalam ng mga ito sa mga bata ang tungkol sa relasyon nila, samantalang kinausap daw nang masinsinan ng magkarelasyon ang anak ni Jodi na si Thirdy.


May hirit din si Claudine na bad influence si Jodi kay Raymart dahil mula nang maging magkarelasyon ang dalawa ay hindi na nagsusustento ang aktor sa mga anak.


Pero bukod kay Jodi, may ilang nag-iisip na ang pamangkin ni Claudine na si Julia Barretto naman ang pinariringgan niya.


May isa pang follower si Claudine na itinag pa mismo si Julia at ang boyfriend nitong si Gerald Anderson.


Sabi ng isang netizen, “@juliabarretto para sa 'yo talaga 'to (three clapping hands sign emojis).”


Pakiwari ng ilang netizens, pinaikut-ikot lang sila ni Julia na aamin din pala sa relasyon nito with Gerald. Ginawa pa raw niyang parang 'guessing game' ang relasyon nila.


Kaya ang feeling ng mga netizens, patutsada 'yun ni Claudine sa hindi agad pagpapakatotoo ng kanyang pamangkin tungkol sa totoong estado ng relasyon nito kay Gerald.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page