top of page

Para iwas-issue raw… MAX, HUMINGI NG BASBAS KAY MARIAN SA PAGSASAMA NILA NI DINGDONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 9, 2026



Dingdong Dantes, Max Collins at Marian Rivera - Instagram

Photo: Dingdong Dantes, Max Collins at Marian Rivera - Instagram



Kampante si Max Collins sa kanyang trabaho sa upcoming serye ng GMA-7 na The Mastercutter, kung saan kapareha niya ang Primetime King na si Dingdong Dantes. 


Bago sila nagsimulang magteyping, tinawagan ni Max si Marian Rivera, ang misis ni Dingdong. Ito ay pagbibigay-respeto at upang maiwasan ang anumang isyu sa social media.


Well, masaya si Max dahil may basbas ni Marian ang tambalan nila ni Dingdong. So far, wala namang dapat ipag-alala si Marian dahil ang kanilang proyekto ay trabaho lang, at walang love angle na maaaring mabuo sa promo ng The Master Cutter (TMC).


Samantala, sa guesting ni Max Collins sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ibinahagi niya na napagod na siya at itinigil na ang paghahanap sa kanyang ama. 

Baby pa lang ang aktres nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, kaya wala siyang gaanong memories na maalala sa kanyang daddy. 


Besides, hindi rin nag-effort ang kanyang ama na hanapin at kumustahin sila.





3 months pinagpapahinga ng doktor…

VICE, HIRAP IWAN ANG IT’S SHOWTIME PARA MAGKAANAK



Napakahirap para kay Vice Ganda ang magdesisyon at pumili kung ano ang kanyang magiging prayoridad — ang manatiling poste ng It’s Showtime (IS) o magbakasyon muna sa show ng tatlong buwan upang maihanda ang kanyang sarili na magkaroon ng anak. 


Handang sumailalim si Vice sa kinakailangang proseso upang ma-preserve ang kanyang sperm cell na gagamitin sa surrogacy procedure. Pero ang advice ng doktor ay kailangan niyang magpahinga sa trabaho nang hindi bababa sa tatlong buwan upang walang stress at tension. Kailangan na physically at mentally healthy siya.


At iyon ay magagawa lamang ni Vice Ganda kung iiwanan niya pansamantala ang IS, isang bagay na mahirap gawin dahil siya ang pinakaposte ng show at kasama sa pagbuo ng mga segments nito. 


Pati sa mga contestants ay si Vice ang nag-aasikaso. Kaya hindi niya afford na magpahinga at iwanan ang show, at hindi pa panahon na piliin niya ang pangarap niyang magkaroon ng anak na kukumpleto sa pamilya nila ni Ion Perez.





BIG TIME businesswoman na ngayon si Wilma Doesnt dahil successful ang kanyang Chicks ni Otit, isang 5-star carinderia. Dinarayo na ngayon ang dalawa niyang branches sa Tagaytay at Gen. Trias, Cavite. 


Hands-on si Wilma sa pag-aasikaso kasama ang kanyang hubby na isa ring chef, pati na rin ang kanilang mga anak.


Pasadung-pasado sa kanilang mga customers ang lasa ng mga pagkain. May mga foreigners na rin na nakatikim ng kanilang mga putahe.


Well, hindi makapaniwala si Wilma Doesnt nang ma-feature sa Netflix ang Chicks ni Otit, na malaking exposure para sa kanilang carinderia. Bukod sa masasarap na putahe at maaliwalas na ambiance, ipinagmamalaki niya ang malinis at mabangong restrooms ng kanilang 5-star carinderia.





Basta raw masaya sila…

ETHEL, TANGGAP NA ‘DI MAPAKASALAN NG LONG-TIME PARTNER


NINE years nang magkarelasyon sina Ethel Booba at Chef Jessie Salazar, pero hindi pa sila nagpapakasal. Hindi pa kasi annulled ang unang kasal ni Chef Jessie. 


Pero ayon kay Ethel, okey na sa kanya ang kanilang relasyon at masaya at maayos ang kanilang pagsasama.


May mga tampuhan at munting away na pinagdaanan, pero naka-adjust na si Chef Jessie sa kakaibang ugali at character ni Ethel. 


Nagustuhan niya ang pagiging totoo at down-to-earth ng aktres. Kahit na total contrast ang kanilang ugali, ang matagal nilang pinagsamahan ay hindi basta-basta mawawala. 


Sa puntong ito ng kanilang buhay, wala na silang balak na palitan o iwanan ang isa’t isa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page