top of page

Para everybody happy daw… POPS, KA-BONDING ANG MGA EX AT BAGONG LABS NI MARTIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2022
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 13, 2022


"Long time no see," bungad na biro sa amin ni Concert Queen Pops Fernandez sa presscon ng Four Kings and A Queen concert last Thursday na tampok sina Marco Sison, Rey Valera, Hajji Alejandro at Nonoy Zuñiga.


Kakikita lang kasi namin ni Pops few days ago sa Cultural Center of the Philippines kung saan ginanap ang gala night ng pelikulang Ginhawa na pinagbibidahan ni Andrew Ramsay, nakababatang kapatid ni Derek Ramsay.


After ng Q&A portion ay nakausap ulit namin si Pops. Hindi na raw niya mabilang kung pang-ilang concert na ang Four Kings and A Queen sa mga nai-produce niya. Pero nilinaw niya na ang kanyang production team, ang DSL Productions, ang line producer ng FKAAQ.


Personal daw siyang tinawagan ng Resorts World para dalhin sa stage ng Newport Performing Arts Theater ang Four Kings and A Queen na magaganap on August 26 and 27.


Almost two years ago nu'ng mabanggit ni Pops during our interview with her sa Solaire Hotel & Casino para sa New Year's eve concert nila ni Martin Nievera na naka-based na sa US ang panganay na anak nila na si Robin Nievera.


"Uh, Robin is still in the States. Si Ram din, nasa Amerika. They're both staying there. They decided to stay there first. Si Kuya (Robin) performs, records, sings also. He has shows. Si Ram naman is still doing his animations stuff. He works for a fast food place," kuwento ni Pops.


Early this year, naglabasan ang mga larawan nila ng kanyang mga anak with Martin and his present girlfriend na si Anj del Rosario. Ikinagulat pa ng mga netizens na kasama rin nilang mag-celebrate ng New Year ang ex-girlfriend ni Martin na si Katrina Ojeda at anak nila na si Santino.


Agree naman si Pops sa sinabi ng mga netizens na isa silang "blended" family.


"Kasi we are very blended, yes. Uh, iba na ang panahon, 'di ba? So, ganu'n na talaga. And, okey naman because I want my boys to also be very close to Santino, their brother. Ganoon din kasi kami, 'di ba? Meron din akong half-sister, half-brother and pinalaki kami together.


So, the situation will be that situation. I think the most important thing is what we do about the situation to help. Kumbaga sa, to help better everybody's relationship."


Ipinagtapat ni Pops na hindi niya inakala na kakayanin niya na magkasama-sama sila ng mga dati at bagong karelasyon ni Martin, especially si Katrina na 'di naman lingid sa marami na siya talagang naging third party sa hiwalayan nila ni Martin.


"It's far from my mind, pero kaya naman pala. And 'yun na nga, kapag nakita mo naman 'yung mga anak mo, si Santino, kumbaga, hindi naman sila kasali sa mga istorya namin noong araw. Okey na 'yun. Tapos, ang dami nang nangyari. Ang dami na naming… kumbaga sa… pinagdaanan also, separately and individually. So, we just have to learn from our past, 'di ba? And hopefully, we better, we better ourselves. It's also for ourselves kasi."


Marami ang humanga sa katatagan at pagiging forgiving ni Pops pagkatapos kumalat ang mga litrato niya with Katrina.


"I think that's the very… for me kasi, 'yun 'yung pinaka-the best na mangyari. Kasi nga, ayaw mo rin na meron ka pang dinadala na galit or sama ng loob. Parang ang tagal-tagal na. Ang dami na ngang nangyari. Parang okey na."


Natanong din namin si Pops kung ano ang reaksiyon niya sa pagpapakasal ng ex-girlfriend ni Robin na si Zia Quizon.


"I love Zia. She's such a sweet, nice girl. Napakabait na bata. Siyempre, as a parent, as a mom, we have to respect their decision. I know that they're still good friends. They still communicate. So, 'yun naman 'yung magandang nangyari, 'di ba?"


Napansin lang namin when Zia posted her very emotional message noong death anniversary ng kanyang ama na si Comedy King Dolphy at nalaman tuloy ng publiko na magpapakasal na siya, dinagsa ng pagbati mula sa mga sikat na celebs ang comment section ng kanyang Instagram post.


Lahat sila ay ni-reply-an ni Zia including Martin's congratulatory greeting for her, except ang comment post ni Pops. Kaya, inalam namin kay Pops kung may something ba sila ni Zia.


"Grabe ka naman. No naman siguro. I will not take that in a bad way. Baka na-miss-out lang niya 'yun. But as far as I know, we're very okay," diin ni Pops.


Puwede!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page