Para 'di raw siya pagalitan sa todo-shopping… HEART, BINIGYAN NG MILYONES NA ROLEX WATCH SI CHIZ
Updated: Feb 10, 2022
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 10, 2022

Sinorpresa ni Heart Evangelista ang mister niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero ng isang luxury watch na anniversary gift niya rito.
Nag-shopping spree for her upcoming birthday ang Kapuso actress at isa sa kanyang mga nabili ay ang luxury Rolex watch para maging anniversary gift niya sa kanyang hubby.
Sa Instagram page ni Heart last Feb. 7, sinabi niyang “little shopping” ang ginawa niyang pag-iikot ng several luxury brands. Umuwi siyang dala-dala ang mga mamahaling items na pinamili na for sure ay nasa milyon ang halaga, tulad na lang ng Rolex watch.
Agad na ibinigay ni Heart ang surprise gift sa mister. Na-appreciate naman ito ni Gov. Chiz at hinalikan ang misis.
Sabi ni Heart, “Balancing act — ‘pag gumastos ka for yourself, need mo din gift asawa mo para 'di ka pagalitan!”
Hahaha!
Kung matatandaan, sinermunan ni Chiz si Heart dahil sa walang patumanggang pagsa-shopping nito.
Nagustuhan ng governor ang outfit-of-the-day (OOTD) ni Heart, kaya lang, na-notice niyang napakaraming branded bags sa shelf nito.
Pinaalalahanan ni Chiz si Heart na may agreement silang bibili lang ng bags ang asawa kapag nakapagbenta ito sa mga napaglumaan na niyang bag.
Samantala, mukhang tototohanin na ni Heart ang pag-graduate sa acting at magpo-focus na lang daw siya sa pag-eendorso ng mga international products.





Comments