top of page
Search
  • BULGAR

Para 'di raw magkulay-nana… TESSIE TOMAS: MGA ARTISTA, 'WAG LALABAS NANG WALANG MAKE-UP!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 8, 2024




First time naman naming nainterbyu ang super-daldal (in a positive way naman, ha?) at wala pang "SENIOR MOMENT" na si Tita Tessie Tomas na mas sumikat noon bilang "Teysi ng Tahanan", Barbara Tengco (sa Abangan ang Susunod na Kabanata), Doña Cielo Flores-Fiero (sa Dirty Linen), at ngayon ay pinag-uusapan din bilang si Bettina Caballero sa Batang Quiapo ni Coco Martin.


At the age of 73 na wala pa sa hitsura niya, in fairness, nahingan din namin ang magaling na aktres ng maipapayo sa mga young stars ngayon para tumagal sa industry tulad niya. 


Prangkang sagot niya, "Importante 'yung discipline, come to the set on time, memorize your lines, prepare your costumes if you can. Ako ang lagi kong sinasabi sa mga young stars, know what really is your talent. Is it singing? Is it dancing? 'Wag mong ipilit. Kung talagang dancing ka lang, hindi ka nakakaarte, 'wag ka du'n. Du'n ka na lang sa dancing. Kasi mahirap aralin nang matagal, eh. Kailangan, meron kang innate talent."


Isa pang payo niya sa mga young stars na dapat tandaan ng mga ito, "Sana lang, 'wag kayong humarap sa camera nang walang makeup, lalo na sa kababaihan, 'di talaga maganda. Minsan, nagkukulay-nana ka 'pag wala kang ka-makeup-makeup.


"For me, it is a crime to face the camera. Ako nga, lalabas lang ako ng condo, 'Ay, teka muna, si Tessie Tomas pala ako. Ay, si Doña Cielo pala ako. Teka, maglagay muna ako ng powder and blush on and very bright lipstick, because I am an actress."


Oh, devah, makes sense, ha?! May tinamaan kaya? Hehe!


Kaya pala at her age, byuting-byuti pa rin si Ms. Tessie Tomas na may happy love life with her 80-year-old husband na si Mr. Roger Pullin na based sa Isle of Man, United Kingdom.


 



Emosyonal pero masaya ang tatlong veteran stars na sina Nova Villa, Noel Trinidad at Tessie Tomas nang humarap kahapon sa storycon ng gagawin nilang movie titled Senior Moments na mula sa bagong film outfit ng first time producer na si Ms. Sucil Nipa.


Tuwang-tuwa sina Tita Nova, Tito Noel at Tita Tessie na uso pa raw pala ang mediacon.


Na- miss daw kasi nilang um-attend sa presscon na nakasanayan nila nu'ng time nila, kung saan iniinterbyu sila ng mga reporters nang face-to-face.


Ang born comedienne na si Tita Nova nga, humirit agad sa simula pa lang ng Q&A na sanay na sanay naman daw siya sa intriga at alam niyang tatanungin na naman siya ng press people kung totoong may anak sa kanya si the late Fernando Poe, Jr. (SLN).


At sa isa sa mga tanong nga namin sa kanya kung ano'ng maipapayo niya sa mga young stars ngayon para tumagal sa industriya tulad niya, sa kanyang mahabang litanya, maya-maya ay naisingit niya ang hirit na "Hindi anak ni Fernando Poe, ha? Anak ng asawa ko!"


Kaya naman after the presscon ay tinanong uli namin si Tita Nova kung bakit sa tingin niya, sa tuwing may presscon siya ay nabubuhay ang isyu sa kanila ni FPJ.


In fairness, diretsong sagot ni Tita Nova, "Eh, kasi sikat si FPJ."


Ano'ng feeling niya na until now, pinag-uusapan pa rin pala sa Tiktok ang isyung may anak sa kanya si Da King?


"Ay, wala akong pakialam. Ini-ignore ko na dahil patay na 'yung tao, nahihiya ako kay Susan. Kaibigan ko si Susan.


"'Wag na, patay na sila," pakiusap pa ni Tita Nova na tigilan na ang isyung 'yan.


Pero ang tanda namin, baguhan pa lang kami sa showbiz (20 yrs. ago) ay tinuldukan na niya ang isyung 'yan. Kung 'di kami nagkakamali, idinenay na niya 'yan noon pa.


Sabi ni Tita Nova, "Hindi ako kumikibo, ayokong pag-usapan 'yan. Ibahin mo na 'yung topic."


Oo nga naman! Bakit nga ba kasi nabanggit na naman 'yang isyung 'yan, eh, nananahimik na sa kabilang buhay 'yung mga taong involved.


Basta at least, diretsahan nang sinabi ni Tita Nova na hindi anak ni FPJ ang nag-iisa niyang anak na si Jenny, kaya enough na, patahimikin na silang lahat.


Anyway, maraming kuwento si Tita Nova Villa tungkol sa kanyang buhay na ngayon pa lang niya ini-reveal at panoorin n'yo na lang 'yan sa aming interview sa kanya sa BULGAR TV YouTube channel ng BULGAR.


Ooops, don't forget to like, subscribe and share, mga Ka-BULGAR!


 



Ang tinanghal namang FAMAS Best Actor nu'ng 2023 para sa pelikulang Family Matters na si Tito Noel Trinidad, sa edad na 83 ay enjoy pa rin daw tumanggap ng acting projects dahil ayaw niyang walang ginagawa.


Kaya kahit aminado siyang mahina na ang kanyang pandinig — which is frustrating for him daw kesa sa pagkakaroon ng physical sickness dahil ang feeling niya, lagi siyang left-out o 'di belong sa mga usapan since hindi nga siya nakaka-relate agad — gustung-gusto pa rin daw niyang umarte dahil nae-enjoy niya 'yung passion niya.


Kung tutuusin, hindi na kailangang magtrabaho pa ni Tito Noel dahil pambubuking nga sa kanya ni Tita Tessie, super rich na raw siya at may franchise ng Chowking (na nagsara naman na raw pala bago pa nag-pandemic), pero dahil nga masaya siyang umaarte pa rin at nakakasama ang mga co-stars at kaibigan niya tulad nina Tita Nova at Tita Tessie, hanggang kaya raw niyang umarte ay tuluy-tuloy pa rin siya sa pagtanggap ng projects tulad ng Senior Moments. Bahagyang naikuwento ni Direk Neal "Buboy" Tan sa storycon ang istorya ng Senior Moments at mukhang maraming mga lolo't lola natin ang makaka-relate rito kaya magandang maipasok sana ito sa MMFF 2024 kung sila ay papalarin, tulad ng birthday wish ni Tita Nova Villa na magse-78 na pala on April 13.


Well, maganda rin ang advocacy ng first time producer na si Ms. Sucil kung bakit nag-produce ng ganitong movie. Aniya, na-realize raw niya na tatanda rin siya tulad nating lahat at gusto niyang ipakita sa Senior Moments kung paano dapat bigyan ng respeto at pagpapahalaga ang mga senior citizens.

Nice!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page