top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para 'di pagpiyestahan… DIEGO, INALIS SA AUSTRALIA ANG MODEL NA MADIR NG ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 4, 2023




Ayon sa aming reliable source, mahigit isang buwan nang wala sa Perth, Australia si Diego Loyzaga at hindi na nakikita ng kanyang mga kakilala at mga kaibigan doon.


Maaaring bago daw nanganak ang kanyang karelasyon na isang commercial model ay nakalipat o bumiyahe na sila sa isang undisclosed na bansa.


“Best Birthday Gift” ang caption ni Diego sa karga niyang baby na ipinost niya sa kanyang Instagram.


It seems, ayaw munang ilantad ng aktor ang pagkatao ng ina ng kanyang anak, kaya’t itinatago niya muna ito sa publiko.


For sure, hindi rin sila uuwi sa ‘Pinas upang makaiwas na pagpiyestahan ng media. Pero papaano na kaya ang career ni Diego? Hindi ba siya nanghihinayang sa oportunidad na pinakawalan niya?!


Leading man material pa naman siya at tiyak na marami pa siyang projects na gagawin kung hindi siya biglang nawala.


Kung si Teresa Loyzaga (mommy ni Diego) ay masaya na may apo na siya sa anak, ano naman kaya ang saloobin ng kanyang amang si Cesar Montano? Ano ang puwede niyang i-advise dito na maagang sumabak sa pagkakaroon ng pamilya?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page