Para 'di na pagtawanan at ismolin… ROBIN, SUMMA CUM LAUDE NG HARVARD ANG KINUHANG ADVISER
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 16, 2023

Seryoso si Sen. Robin Padilla sa kanyang tungkulin bilang senador. Kung dati-rati ay pinagtatawanan at hinahamak siya ng kanyang mga bashers dahil hindi siya nagtapos ng kolehiyo at walang experience bilang public servant, ngayon ay gumawa siya ng action upang madagdagan ang kanyang kaalaman sa batas.
Bukod sa pagkuha ng crash course ay kumuha rin siya ng mga taong makakatulong sa kanya. Isang summa cum laude ng Harvard University ang kinuha niya upang maging economic adviser niya.
Ito ay si Nick Huber at katulong ang batikang abogado na si Atty. Philip Jurado.
Hindi nagmamagaling si Sen. Robin Padilla. Alam niya ang kanyang kakulangan sa aspetong pulitika. Pero willing siyang matutunan ang maraming bagay na magagamit niya upang makatulong sa mas nakararami.
Alam ni Sen. Robin ang pulso ng mahihirap. At ngayon na nabigyan siya ng pagkakataon na makapagsilbi, uunahin niya ang makatulong sa mahihirap. At isang magaling na economic adviser ang tutulong sa kanya.





Comments