top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Para 'di na mapahiya… DENNIS, 'DI NA BINATI SI CLAUDIA NANG MAGTAPOS SA ATENEO

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 1, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 1, 2022



Hindi na binati ni Dennis Padilla ang anak na si Claudia Barretto nang mag-graduate ng BS Psychology sa Ateneo De Manila University. Nakaiwas siyang magkaroon ng sama ng loob dahil baka hindi na naman sumagot si Claudia.


Dati kasi, kapag may birthday o nagga-graduate ang mga anak, lagi silang binabati ni Dennis sa socmed na unfortunately, hindi sinasagot ng kanyang mga binabati. May naaawa kay Dennis, may naiinis din dahil ang mga anak ang naba-bash.


Anyway, si Marjorie na ang bumati kay Claudia sa pagga-graduate nito kahit nagso-showbiz.


“Congratulations Claudia! I will never forget how happy you made me feel today. I am so proud of you. You are so ready for this new chapter in your life. I will always be behind and beside you.


I love you, I love you, I love you! Thank you, Lord!” post ni Marjorie.


Sa halip, ang anak na si Gavin ang binati ni Dennis sa 10th birthday nito at wala na rin siyang anak from Marjorie na kanyang itinag. At least, wala nang magagalit kay Dennis at hindi rin na-bash si Claudia.


Speaking of Dennis, kasama siya sa cast ng Maria Clara at Ibarra. Hindi pa lang nabanggit ang kanyang role, pero nagte-taping ito sa Ilocos kasama sina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose at Barbie Forteza.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page