top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para ‘di na maagaw ng iba… RABIYA, IPINAGSIGAWANG SA CONDO NA NI JERIC SIYA NAKATIRA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 4, 2023




Hindi namin alam kung makakabuti sa career ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo ang ginawa nitong pag-amin at pagsasapubliko na lumipat na siya sa condo unit ng kanyang BF na si Jeric Gonzales.


May sariling condo unit na rin noon si Rabiya, pero mula nang magkabalikan sila ni Jeric matapos ang kanilang naging tampuhan ay nagdesisyon na ang beauty queen-actress na mag-move in na sa condo unit ng nobyo niyang Kapuso hunk actor.


Mas open na nga ang magdyowa sa pagbabahagi ng kanilang relasyon sa publiko kumpara noon. Marami kasing nagpapa-cute at naghahabol kay Jeric ngayon.


Kaya naman, gusto nang ipaalam ni Rabiya sa mga kababaihan na type ang BF niyang si Jeric na "taken" na ang aktor at hindi na ito puwede pang landiin ng kung sino man.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page