top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Para 'di mukhang brusko, panghatak-boto… BIGOTE AT CHALECO NI JINGGOY, IPINATANGGAL NI SARA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 7, 2022




Naniniwala si senatorial candidate Jinggoy Estrada na hindi naapektuhan ng pulitika ang friendship nila nina Sharon Cuneta at Kris Aquino.


As we all know, tumatakbong senador si Jinggoy sa ilalim ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte. Habang ang mister naman ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan ay ka-tandem ni Vice-President Leni Robredo na mahigpit na kalaban ni BBM sa presidential race.


Si Kris naman ay sinusuportahan ang tandem nina VP Leni and Sen. Kiko.


Nakatsikahan ng entertainment press si Jinggoy via Zoom last Tuesday at aniya, naniniwala siyang iboboto siya nina Kris at Sharon sa darating na eleksiyon.

“I am very confident that Sharon will vote for me 'coz friendship goes beyond politics,” pahayag ni Jinggoy.


“Regarding Kris Aquino, she’s my kumare and she knows that I am a hardworking senador and I hope that she will vote for me,” he continued.


Sinabi rin ng aktor-pulitiko na ipinagdarasal niyang maka-recover si Kris at kung kailangan daw nito ang tulong niya ay magpasabi lang.


“If there’s anything I can do for Kris Aquino, I will gladly do it for her. Kung ano'ng gusto niyang gawin ko para matulungan siya sa kanyang medical needs or whatever, in case she needs me, willing ako to lend a helping hand,” he said.


Dahil nga hindi pinalad na manalo noong 2019 elections, inamin ni Jinggoy na mas pinaghandaan niya ang eleksiyon ngayon. He had to rebrand himself at pati nga raw ang kanyang pananamit ay iniba niya sa payo na rin ni Inday Sara.


Kung dati raw ay naka-chaleco at naka-jacket siya, ipinatanggal daw ito sa kanya ni Sara.

“Ipinatanggal niya sa akin 'yung jacket, pinaahit niya akong bigote, para lumambot 'yung mukha ko sa tao. Kasi 'pag naka-bigote ako, medyo brusko ang dating ko,” natatawa niyang sabi.


At mukhang effective naman daw dahil nagmukha siyang bata.


Bukod nga sa nagbago siya ng physical appearance ay malaking bagay din daw na nasa UniTeam siya. Maganda rin ang standing niya sa survey dahil hindi siya nawawala sa Top 12 sa listahan ng mga senatoriables.


Nang matanong nga kung bakit siya tumakbong muli, aniya, “Why not? Sa aking pakiwari, marami pa akong puwedeng iambag sa ating lipunan. Unang-una, naranasan natin itong pandemya at maraming nawalan ng trabaho. Kaya isa sa aking adbokasiya ay ang pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan lalung-lalo na ‘yung mga taong nawalan ng trabaho during this pandemic.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page