Para 'di lang daw sa puso nakatatak… AIKO AT CONG. JAY, NAGPA-TATTOO NG NAME NG ISA'T ISA
- BULGAR
- Oct 27, 2022
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 27, 2022

Hindi lang sa puso ni Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez nakaukit ang boyfriend niyang si Zambales 1st District Representative Jefferson ‘Jay’ Khonghun dahil ipina-tattoo rin niya ang apelyido nito sa kanyang kaliwang braso, malapit sa kamay.
Matagal na palang ipina-tattoo ito ng aktres-pulitiko at ipina-retouch lang niya dahil kupas na base sa post niya sa kanyang Facebook account nitong Miyerkules, Oktubre 26.
Ang caption ni Aiko sa video post niya, “And…. Here comes the Tat (emoji smiling face). Needed to retouch my old one and my friend came in to the rescue! Thank you Xien Baza and na-meet n’ya family ko and my mom na wala na nagawa na maawat kami.
“But my Mom said ‘Retouch lang naman, anak, so ok na.’ Xien, welcome sa family namin, 'yun ang sabi ng mama ko, Elsie Castaneda, sa wohoooo! Thanks sa magaan na kamay, 'di ako nasaktan at all, iba kapag babae ang gumagawa.”
At dito binanggit ni Konsi Aiko kay Cong. Jay, “PS, hindi lang sa puso ikaw nakatatak, Cong. Jay Khonghun kundi sa aking mga balat (emoji smiling face) labyu!”
Pati rin pala si Cong. Jay ay nagpa-tattoo rin ng pangalan ni Aiko at malabo na rin dahil tinatanong siya nito kung kailan siya magpapa-retouch.
Ito ang mga nabasa namin sa comments section…
Komento ng kagawad na si @Gracia Osio Oraa, “So sweet ayiiiii.”
Sinagot naman ito ni Konsi Aiko, “@Gracia Osio Oraa Si Cong. Jay Khonghun din, Kagawad, meron also, Melendez naman, kaso kupas 'yung kanya.”
Sabay tanong ng aktres sa boyfriend, “Kelan mo ipapaayos 'yung sa 'yo Jay Khonghun (emoji smiling face)? Kupas na, ahhh?”
Comments