top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Para balik-TV, bilyonaryo ang sponsor… WILLIE, IBINENTA NA ANG YATE AT MANSIYON SA TAGAYTAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 29, 2024
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 29, 2024





Ibinenta na ni Willie Revillame ang ilan sa kanyang mga ari-arian. Kalat na sa social media ang “done deal” ni Willie sa buyer ng kanyang mga properties.


Binili raw ng may-ari ng Carrascal Nickel Corporation at president ng Philippine Nickel Industry Association na si Tony Co ang multi-million peso na yate ni Willie.


Si Tony Co din daw ang may-ari ng Aquatica Boracay.


At kamakailan, nagkabayaran na sina Willie at Tony based sa mga litratong kumalat sa social media kahapon.


Balitang pati raw ang billion-peso mansion ni Willie sa Tagaytay ay binili na ni Co na matagal na niyang gustong bilhin.


Itinuturing na life-saver daw ni Willie si Tony. Ang tsika raw kasi, may problema sa kanyang finances ang TV host at ang una niyang ini-let go ay ang kanyang bonggacious na yate. 


Diumano, nahihirapan na raw si Willie sa pang-maintenance ng kanyang yate.


Naniniwala ang mga kritiko ni Willie na puwedeng true na hindi na niya kaya ang maintenance para sa yate since ilang taon na ring wala siyang programa sa TV.


Pero teka, baka naman kasi hindi lang isa o dalawa ang yateng pagmamay-ari ni Willie. For sure, marami pa 'yan kaya keri na for Willie na ibenta ang isa sa mga ito. 


At ‘wag kalimutan na may helicopter pa si Willie, hah? Over his helicopter, mas tama lang na ang yate na lang ang ibenta niya.


Saka, ‘di lang naman daw basta nagbenta si Willie ng yate kay Tony. Trusted na siguro niya ‘yung tao para rito ibenta ang isa sa kanyang mga prized-possessions.


Mukhang sobrang tiwala nga si Willie kay Tony Co dahil balita rin na ang bilyonaryong negosyante ang magbabalik sa kanya sa telebisyon at mamamahala ng kanyang career.


Si Co raw ang magpi-finance ng programa niya sa muling pagbabalik nito sa ere.


Natuwa naman ang mga netizens sa balitang pagbabalik ni Willie sa telebisyon.


Congrats po! Puwede pong makahingi ng jacket?! Hehe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page