top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Papalubog nang papalubog ang ekonomiya, nakupo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 17, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 17, 2021



Inamin ni P-Digong na walang sapat na supply ng COVID vaccine sa buong mundo.


Asahan ang pagdami pa ng mamamatay.


Nagsasabi lang siya ng totoo!


◘◘◘


‘ETO ang susunod na mapait na katotohanan.


Papalubog nang papalubog ang ekonomiya.


Bakit?


Kakambal ‘yan ng krisis sa COVID!


◘◘◘


ERE ang ikatlong mapait na katotohanan.


Walang solusyon sa supply ng COVID at wala ring solusyon sa gumuguhong ekonomiya.


Wala ring solusyon na ginagawa ang gobyerno.


Tripleng pait ng katotohanan!


◘◘◘


NARITO ang napakalaking tanong.


Solusyon ba sa tatlong krisis ang pagbibitiw ni P-Digong sa puwesto?


Nagtatanong lang naman!


◘◘◘


MANGANGAHAS na rin tayong sagutin ang sarili nating tanong.


Hindi solusyon ang pagbibitiw ni P-Digong sa posisyon dahil mas malaki ang tsansa na lalong mapabilis ang paglubog ng barko.


Ang kapitan ng barko ay hindi tumatalon sa lumulubog na barko—siya ay naiiwan kasama ng paglubog ng kanyang sasakyan!


◘◘◘


ANG pagpapalit ng liderato sa gitna ng krisis ay kahalintulad ng paglipat ng kabalyero habang tumatawid sa maagos na ilog.


Hindi puwedeng magpalit ng kabayo kapag tumatawid sa masungit na agos.


Kunsabagay, hindi naman “kabayo” si P-Digong!


◘◘◘


IBINABALA ng IMF na mahihirapan ang Pilipinas na makaraos sa krisis sa ekonomiya.


At ibinabala rin ng IMF na hindi lang Pilipinas ang may malaking problema sa ekonomiya bagkus maging ang mga bansa sa Asia-Pacific!


◘◘◘


DAHIL sa matinding krisis sa ekonomiya, maaaring magbunsod ito ng gulo sa pulitika o pang-aagaw ng poder tulad ng nagaganap sa Myanmar.


Ipinahiwatig na rin ito ni P-Digong sa pagsasabing, “Kung paralisado ako, papayag ba ang AFP na manatili ako sa posisyon?”


◘◘◘


MAY ibang kahulugan ang naturang pahiwatig ni P-Digong.


Ibig sabihin, sakaling lihim na maparalisado si P-Digong, may posibilidad na mag-takeover ang military tulad sa nararanasan sa Myanmar!


◘◘◘


KUNG magte-takeover ang military sa sitwasyong “pinagdududahan ang kalusugan” ng Pangulo, paano ang probisyon ng Konstitusyon na nagsabing dapat pumalit ang bise-president?


‘Yan na mismo ang babala ng IMF, maaaring magbunsod ng kaguluhan dahil sa “power play” bunga ng pandemic!


◘◘◘


SA panahon ng krisis, marami ang magpa-panic ay hindi makakapag-isip nang matino kung saan, dapat igalang ang Konstitusyon.


Pero, paano ‘yan kapag hindi sinunod ang Konstitusyon?


◘◘◘


MAGULO lamang at madugo kapag watak-watak ang AFP, pero kapag nagkakaisa—tulad nang tumalsik si Marcos at si Erap—iisang hapay lang, walang gulo na magaganap.


May precedent na tungkol d’yan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page