Papalitan ni Michael Sager… KIM AT MAVY, OUT BILANG HOSTS NG PBB

ni Nitz Miralles @Bida | October 5, 2026

Photo: IG _chinitaprincess & _mavylegaspi
May announcement ang Pinoy Big Brother (PBB) this Monday. Kasama sa mga ia-announce ang mga hosts ng show.
Sa post, nakasulat ang “May bago tayong kasama,” at ang papalit siguro kina Kim Chiu at Mavy Legaspi ang ia-announce.
Days before, alam nang si Michael Sager ang bagong host at kapalit daw siya ni Mavy.
Sa announcement na, “May Bago Tayong Kasama,” naka-highlight ang letters ‘M’ and ‘S’, na initial ni Michael Sager.
Sa post pa rin ng PBB, binanggit ang mga hosts ng show at wala na ang pangalan ni Mavy. Ang nasa teaser photo ay sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Gabbi Garcia, Enchong Dee, Melai Francisco at Alexa Ilacad. Wala rin ang pangalan ni Kim.
Kaugnay nito, may post si Mavy na, “I could care less,” na ang paniwala ng mga nakabasa, ang tungkol sa hosting sa PBB ang gusto niyang tukuyin.
May balita naman na pahinga muna si Kim bilang host.
Well, walang binanggit na rason ang show kung bakit hindi na kasama sina Kim at Mavy bilang mga hosts ng PBB. Baka sa announcement mamaya, ipaalam nila ang dahilan.
‘Di lang kay Dennis nakatikim…
GELLI, SINOPLA RIN NG MGA NETIZENS SA PAKIKISAWSAW KINA PATRICK AT JENNYLYN
Naglabas ng official statement ang Chika Cart tungkol sa nangyari sa guesting ni Gelli de Belen sa show na naging controversial.
Maaalalang nag-react si Dennis Trillo sa naging pahayag ni Gelli sa show.
Ito ang official statement, “We understand that the recent discussion on Chika Cart has drawn different reactions online. The views shared during the conversation were personal opinions expressed as part of an open discussion. Chika Cart does not intend to take sides or disrespect anyone involved.
“Let’s keep the conversation respectful and choose kindness, especially when families are involved.”
Kaugnay nito, nilinaw ni Gelli at ng mga hosts ng show na hindi nila kinampihan si Patrick Garcia dahil close siya sa aktor. Sabi nito, para sa mga bata ang kanyang reaction.
Sey kasi ng aktres, “Ang kampi ako, sa mga bata (Jazz Mercado and Michelle Garcia), I just want to reiterate na everything I said is out of concern for the children, because the parents are okay, they’re fine, they’re thriving, they’re happy in their own relationship. They’re good to go. The kids, they have to deal with this.
“Whatever is coming out, kung ano man ang sinasabi ng mga tao sa kanila, ‘yung mga bata ang magdadala n’yan. ‘Yun ang ‘di okay.
“At least, ‘yung mga magulang, they can handle things, they know they’ve been through it. Happy na sila with their significant other, okay na sila. ‘Yung mga bata ang kawawa. Let’s try to be kind.”
Kaya lang, sa reaction ng mga netizens, ayaw nilang tanggapin ang paliwanag ni Gelli. Siguro raw, hindi niya napanood ang interview kay Patrick na nega ang dating para kay Jennylyn Mercado.
Comment pa ng fan, “Don’t expect Dennis Trillo to keep quiet. We’re happy he didn’t.”
Kaya, patuloy ang paniniwala namin na magtatagal pa ang isyu na ito, marami pa ang madadamay at marami pang isyu ang lalabas.
BAGONG post ni Dennis Trillo, “Salamat po sa lahat ng aming mga tagapagtanggol. Na-appreciate namin lahat ‘yun. Spread love na po ulit.”
Kahapon, nag-post din si Dennis ng family photo nila at makikitang nakangiti sila ni Jennylyn Mercado at mga anak na sina Calix, Alex Jazz at Dylan.
Ang caption ay: “Sunday is Family Day.”
Nakiusap na si Dennis na spread love na uli, kaya lang, ang mga netizens, ayaw pa ring papigil sa pagko-comment.
Ang iba nga, hinalungkat ang mga lumang interviews nina Jennylyn, Patrick Garcia at pamilya ng aktor, kaya ayun, maraming nalaman ang mga fans sa mga nangyari noon.





Comments