top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

PAOLO, UMAMIN KUNG BAKIT 'DI PA PINAKAKASALAN SI YEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 25, 2023




Obyus sa boses ni Paolo Contis nang dumalo sa premiere night at mediacon ng latest movie nila ni Joross Gamboa sa MAVX Productions titled Ang Pangarap Kong Oskars last Friday na medyo may sakit ito.


But still, game na game pa ring humarap ang magaling na aktor sa press people at kahit super-dami ng tanong sa kanya ng press ay sinagot naman niyang lahat as much as he can.


Tumanggi lang sumagot si Paolo nang tanungin namin tungkol sa anak niya kay LJ Reyes na si Summer, which we understand naman kung pinipili niyang manahimik na lang sa bagay na 'yun para iwas-bashing na rin, lalo't 'yun ang paboritong ibala laban sa kanya ng kanyang mga detractors.


Pero tungkol sa relasyon nila ni Yen Santos na inamin na nga niya sa Fast Talk with Boy Abunda show sa GMA-7, mas open nang magsalita ngayon si Paolo.


Ipinagmalaki pa nga niya sa amin kung gaano ka-understanding and supportive si Yen sa kanyang busy schedule ngayon dahil sa daily noontime show niyang Eat… Bulaga!.


"Very, very, very. Masaya siya ru'n sa konsepto ng blessing na 'to. Of course, she has her own time also for her personal things na ginagawa niya. Kumbaga, pagdating sa trabaho, very open naman 'yung usapan."


When asked by another writer kung ano'ng pangarap niya sa relasyon nila ni Yen, pabirong sagot ni Paolo, "Sa relasyon namin? Na tigilan n'yo kami?"


At sa tanong kung 'di pa ba siya sanay sa pamba-bash sa kanila ni Yen mula nang maging sila, ani ng aktor, "I don’t think you can ever get used to people hating you, especially a relationship that's good for me and for her na okay kami and then people hating on it, which I understand kung bakit, sabihin mo na kung bakit… regardless kung alam nila 'yung buong kuwento or not, they are entitled to their own comments, pero you'll never get used to it."



Ramdam naman daw ni Paolo na mas matimbang pa rin ang galit sa kanila ni Yen kesa sa tanggap ang relasyon nila, kaya nga raw hindi na niya isinama ang girlfriend sa premiere night ng Ang Pangarap Kong Oskars.


Pero ayaw na raw niyang bigyan ng pansin ang mga ayaw sa kanila ni Yen dahil stress lang 'yun. Ang mahalaga raw ay 'yung mga nagmamahal sa kanila.


At sa tanong namin kung kelan naman ang pangarap niyang maikasal, natawang sagot ng aktor, "Ang ganda ng mga tanong mo. Eventually, darating naman 'yun. Marami pa akong kailangang ayusin, siyempre."


Oh, at least, nasa bucketlist naman pala 'yun ni Paolo, hindi lang ang manalo ang pelikula niya ng award sa Oscars tulad ng role niya sa movie bilang si Bobby B. na as producer ay ultimate dream na makakuha ng Oscar awards kahit ano pa ang maging kapalit.


Showing na ang Ang Pangarap Kong Oskars sa June 28 mula sa direksiyon ni Direk Jules Katanyag.


Kakaibang klase ng humor ang hatid nina Paolo Contis, Joross Gamboa, Kate Alejandrino, Faye Lorenzo among others sa pelikulang ito na mula sa MAVX Productions.


Swak ito sa mga millennial na naghahanap ng makabagong klase ng comedy with matching fantasy, horror at may tema pang 'bromance' at LGBT since may 'mouth-to-mouth' contact na naganap dito sa pagitan nina Paolo at Joross.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page