top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

PAOLO, DUMAAN PA SA ABOGADO MABISITA LANG ANG ANAK KAY LJ

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 23, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 23, 2023



Miss na miss na ni Paolo Contis si Summer, ang anak nila ni LJ Reyes na almost two years (baka more pa) na niyang hindi nakikita mula nang umalis si LJ for New York kasama ang mga anak nang maghiwalay sila ni Paolo.


Kahit sa Instagram ni LJ kung saan ipino-post nito ang photos ng mga anak na sina Summer at Aki, hindi rin makikita ni Paolo dahil binlock siya ng ex-live-in partner.


Lalong mami-miss ni Paolo si Summer kapag nakitang malaki na ang anak at adjusted na sa buhay sa New York. English speaking na ang bata with NY accent at magandang pakinggan ang pag-uusap nila ni LJ.


Nabanggit ni Paolo sa interview sa kanya nina Nelson Canlas at Aubrey Carampel na balak niyang bisitahin ang anak sa New York at ang request ay idinaan sa lawyer ni LJ.


“I’m waiting for the right time, I’m waiting for the go signal. I’m trying to contact them through her lawyer,” sabi ni Paolo.


Anyway, may balak pala ang Mavx Productions na pagsamahin sa isang pelikula sina Paolo at Patrick Garcia na nagkasama noon sa ABS-CBN show na Tabing Ilog. Na-excite ang mga fans sa balitang ito at wish nila, buong cast ng show ang mag-reunion. Hindi pa lang nabanggit kung anong pelikula ang pagsasamahan nina Paolo at Patrick.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page