top of page

PAOLO, BETONG AT BUBOY, HAPPY NA NASA GTV NA ANG IT'S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24, 2023
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 24, 2023



May reaction na rin ang Eat… Bulaga! hosts na sina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar sa paglipat ng It’s Showtime sa GTV. Na-interview ang tatlo ng GMANetwork.com tungkol sa lipatang nangyayari.


Kay Paolo, exciting ang bagong collab ng ABS-CBN at GMA at dobleng saya ang hatid nito sa mga viewers. May opportunity na raw ang mga ABS-CBN talents at GMA talents na makapag-guest sa dalawang noontime shows.


“Exciting ‘yun kasi ang mananalo diyan, ‘yung mga viewers, 'di ba? Sinimulan na ng GMA at ABS-CBN ang collaborations and this is a very big collaboration kasi noontime show na ‘to. It opens up a lot of opportunities for other actors para makapag-guest doon, at the same time, para makapag-guest dito."


Sabi pa ni Paolo, magiging healthy ang competition ng dalawang noontime shows. "It will be a healthy competition because you’re basically under one roof.”


Masaya rin si Betong na nasa GTV na ang It’s Showtime.


“Oh, my goodness, welcome po sa Kapuso station and sobrang happy dahil isipin n'yo, nagsanib-puwersa na kumbaga, eh, at ang magbe-benefit talaga ay ang viewers natin kasi mas marami silang choices, mas maraming mapapasaya, mas maraming mananalo ng papremyo, so ‘yun talaga. Sana ay magkrus ang mga landas natin sa mga susunod na araw.


And welcome It’s Showtime sa GTV."


Ang naisip naman ni Buboy, tuluy-tuloy ang trabaho ng mga tao sa production sa likod ng camera.

“May mga trabaho sila lalo na ‘yung mga nasa likod ng camera, ‘yun po ang pinakaimportante po sa akin, hindi naman po ‘yung mga artista, kasi kaya nilang kumita, kaya nilang dumiskarte sa buhay. Pero ‘yung mga nasa likod mo, ‘yung mga sumusuporta sa artista, sila po ‘yung dapat tingnan, hindi po kami.”


Siguradong natanong pa si Paolo tungkol sa isyung nasa GTV na ang It’s Showtime sa mediacon/premiere night kagabi ng pelikula nila ni Joross Gamboa sa MAVX Productions na Ang Pangarap Kong Oskars. Sa June 28 na ang nationwide showing ng movie sa direction ni Jules Katanyag.


Makaka-relate ang mga filmmakers sa Ang Pangarap Kong Oskars tungkol sa isang film producer (Paolo) at film director (Joross) na may malaking pangarap sa pagiging filmmaker at ‘yun ay makagawa ng dream movie nila na magkakaroon ng big impact sa entertainment at sa publiko na rin.


Ang problema lang ng dalawa ay tamang budget para sa kanilang dream project.


Kasama sa cast sina Kate Alejandrino, Long Mejia, Jon Santos, Gian Magdangal, Faye Lorenzo, Yukii Takahashi at Milo Elmido.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page