PAOLO, BALIK-IG NA, YEN, MISSING IN ACTION PA
ni Nitz Miralles - @Bida | January 27, 2022

May bagong post sa Instagram si Paolo Contis. Sumubok lang ang aktor na bumalik sa IG at matutuwa siguro ito at masusundan pa ang pagpo-post hanggang maging active na uli siya dahil walang nang-bash at nang-away sa kanya.
In fact, papuri sa I Left My Heart in Sorsogon at sa karakter niyang si Mikoy ang mga comments, ganu'n din para sa rom-com series nila nina Heart Evangelista at Richard Yap.
May mga comments din na gusto nilang sina Mikoy (Paolo) at Celeste (Heart) ang magkatuluyan sa pagtatapos ng series.
Hindi kami magugulat kung after a few months, si Yen Santos naman ang bumalik sa IG.
Nami-miss na rin siya ng kanyang mga supporters at hindi pa nasundan ang last post niya noong December 24 pa.





Comments