PAO chief, namakyaw… ATTY. PERSIDA, NAKA-45 AWARDS NA MULA SA IBA'T IBANG GRUPO
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 21, 2022

Hindi pa kinukumpirma ni PAO Chief Persida Rueda Acosta ang bali-balitang magkakaroon siya ng sariling TV show sa pagpasok ng year 2023. Ang tanging kinumpirma lang niya ay may mga offers daw sa kanya ang ilang networks pero wala pa siyang tinatanggap sa mga ito.
Marami sa mga followers ni Atty. Acosta ang nagre-request na sana ay muling ibalik ang TV show niyang Public Atorni: Asunto o Areglo dahil marami siyang natutulungang mahihirap na nangangailangan ng legal assistance.
Pero sa ngayon, habang wala pang TV show si Atty. Acosta, napapanood naman siya sa kanyang online show sa Facebook, ang Persida Acosta Legal Advise (P.A.L.A.) na may halos 1 million followers na.
Twenty-one years na sa Public Attorney's Office (PAO) si Atty. Persida Acosta at maganda ang kanyang track record. Kaya naman nakatanggap na siya ng 45 awards-recognition mula sa iba't ibang grupo at award-giving bodies.
May ilang movie producers din ang gustong isalin sa pelikula ang kanyang life story.
Bago nagkaroon ng COVID pandemic, nagkausap na sila ni Direk Carlo J. Caparas tungkol sa gagawing biopic niya titled PERSIDA.
Hindi na nga lang sila nagkausap muli ni Direk Carlo J. dahil naglagi na ito sa Cebu nu'ng pandemic.
Matapang, napakasipag, down-to-earth at masang-masa si Atty. Persida Acosta kaya mahal ng lahat. At hinihintay na rin ang kanyang pagbabalik-telebisyon.





Comments