PAO, AGAP Hall of Fame Awardee sa maayos na pamamahala ng pondo

by BRT @News | November 15, 2026

Photo: File / PAO Building Office - PAO Chief Atty. Persida Acosta
Ginawaran ng Hall of Fame Award ng Association of Government Accountants of the Philippines (AGAP) ang Public Attorney’s Office (PAO) matapos kilalaning 2025 Most Outstanding Accounting Office dahil sa maayos, tapat at responsableng pamamahala ng pondo ng gobyerno.
Personal na tinanggap ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta ang parangal sa AGAP Annual National Convention 2026 na ginanap noong Oktubre sa Clark, Pampanga.
Binigyang-diin ni Rueda-Acosta ang kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran ng Department of Budget and Management (DBM), Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC) upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo ng bayan.
“The true legacy we can leave to the Filipino people is our honesty,” ani Rueda-Acosta.
Sa edad na 65, nais pa niyang ipagpatuloy ang paglilingkod sa milyun-milyong mahihirap at nangangailangan ng libreng tulong legal hanggang sa kanyang mandatory retirement sa edad na 70.





Comments