Imbes pintasan, siraan... Iangat n'yo ang gobyerno — Castro

ni Mylene Alfonso @News | November 14, 2026

Photo: Atty Claire Castro - PCO
Nanawagan si Palace Press Officer Atty. Claire Castro ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga Pilipino upang maipakita ang mainit na pagtanggap sa mga dayuhang delegado ng ASEAN Summit.
“Mas uunlad po ang Pilipinas kung walang taong utak-talangka na hihila pababa sa ating bansa,” ani Castro.
Binigyang-halimbawa niya ang inisyatibo ng “Bayanihan ang Diwa” ng mga kumpanya sa transportasyon at logistics bilang pagpapakita ng pakikiisa sa paghahanda para sa summit.
“Iangat ang Pilipinas, imbes na pintasan (at) siraan ang ginagawa ng gobyerno,” dagdag niya.





Comments