top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Pantasya ng mga girls at gays… LUKE CONDE, INALOK NG CONDO, SUV AT FRANCHISE SA NEGOSYO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 8, 2022
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 8, 2022


Ipinakilala na ng sikat na undergarment brand for men na Hanford ang latest endorser nila, walang iba kundi ang dating Hashtags member na si Luke Conde na look-alike nina Tom Rodriguez at Alden Richards, dahil sa kanyang cute dimples.


But ooops, hindi naman pinalitan ni Luke ang dating endorser na si Vin Abrenica dahil additional lang siya sa mga nauna nang endorsers ng Hanford.


Soon ay makikita na ang malalaking billboards sa EDSA ni Luke Conde wearing Hanford briefs at for sure ay pagpapantasyahan na rin siya ng mga girlash at pati ng mga vaklush.


Tanggap naman 'yun ni Luke and in fact, inamin nga niyang nakatanggap na rin siya ng mga indecent proposals bago pa man siya ini-launch bilang endorser ng Hanford.


Aniya, sa mga Facebook message pa lang ay may mga nag-o-offer na sa kanya ng condo unit, SUV at pati food franchise!


Oh, bongga, 'di ba?


But of course, dahil maayos naman daw ang pagpapalaki kay Luke kaya dedma lang siya sa mga offers sa kanya at marespeto naman niyang tinatanggihan.


Katwiran niya, kaya naman niyang kitain ang datung sa legal na paraan tulad nga nitong endorsement niya sa Hanford.


Breadwinner si Luke Conde at pang-drama anthology ang kuwento ng buhay niya, kaya wish naming mabigyan siya ng big break sa GMA-7 at magbida sa serye katambal ang pantasya at idol niyang aktres na si Rhian Ramos.


Gusto rin daw niyang makatrabaho si Carla Abellana, kaya lang, dahil look-alike nga siya ni Tom Rodriguez, naku, mukhang ekis na agad siya kay Carla. Hahaha! Joke lang, Luke!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page