Pansariling interes ang dahilan ng pagtakbo ni ‘bato’?!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 23, 2021
PANSARILING KAPAKANAN ANG NASA ISIP NINA SEN. DELA ROSA AT P-DUTERTE, HINDI KAPAKANAN NG MAMAMAYAN—Ayon kay Sen. Ronaldo dela Rosa, kapag siya ang nanalong pangulo ay hindi lang sarili niya ang poprotektahan sa kaso sa ICC, kundi pati si P-Duterte.
Bago niyan, inihayag na rin ni P-Duterte na pinag-iisipan niyang kumandidatong VP para makaiwas sa mga kaso, magkaroon ng immunity sa mga kaso kapag nanalo siyang vice-president.
Sa tema ng statement nina Sen. Dela Rosa at P-Duterte, kita na ang ebidensiya, gusto nilang tumakbo sa matataas na posisyon sa pamahalaan para protektahan ang kanilang sarili at hindi para sa kapakanan ng mamamayang Pinoy, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
DAHIL SA PAGKANDIDATO FOR PRESIDENT NI PACMAN, HINDI NA BALWARTE NG MANOK NI P-DUTERTE ANG MINDANAO—Ang Mindanao ay hindi na maituturing na balwarte ng “manok” ni P-Duterte sa presidential election, na kahit sabihing tumakbo pang pangulo sa pamamagitan ng substitution si presidential daughter Mayor Sara Duterte, tiyak na sa ilang lugar sa rehiyong ito ay pagkatalo ang aabutin ng Team Duterte.
Ang dahilan, binangga na kasi ni Sen. Manny Pacquiao ang isa pang taga-Mindanao na si P-Duterte, boom!
◘◘◘
SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTION, LABO-LABO NA ANG MGA BOTANTE SA MINDANAO SA PAGPILI NG KANDIDATONG IBOBOTO FOR PRESIDENT—Noong 2016 presidential election ay solid kay P-Duterte ang mga taga-Mindanao, pero sa 2022 presidential election, may mga lugar d’yan na tiyak pagkatalo ang aabutin ng manok ni P-Duterte.
Bukod kay Pacman na taga-Mindanao, may mga probinsiya rin sa rehiyong ito ang nagpahayag na ng suporta kina presidential candidates Vice-Pres. Leni Robredo, former Sen. Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Ping Lacson.
Ibig sabihin, kung noon ay solid kay P-Duterte ang mga taga-Mindanao, sa 2022 presidential election ay labo-labo na ang kanilang mga botante, abangan!





Comments