top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Panregalo ngayong Pasko, mas oks kung swak sa pandemya!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2020
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 12, 2020


Habang papalapit ang Kapaskuhan, kani-kanyang diskarte na ang ilan nating kababayan para kahit paano ay makapagbigay ng regalo sa kanilang pamilya, kaibigan at inaanak.


Kani-kanyang shopping sa mall at iba pang pamilihan ang ilan, pero ang iba naman, ‘di pa rin alam kung ano’ng angkop ibigay sa mga reregaluhan.


Dahil dito, hinihikayat ng DOH (Department of Health) ang publiko na magbigay ng panregalo na makatutulong sa paglaban kontra COVID-19.


Ayon sa ahensiya, maaaring ibigay bilang regalo ang mga bagay na makatutulong upang manatiling ligtas ang mga mahal sa buhay tulad ng facemask bilang paalala na palaging magsuot nito.


Gayunman, sa isang press briefing, inirekomenda ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na puwedeng mag-DIY o do-it-yourself ng regalo para mabawasan ang tsansa ng COVID-19 transmission sa pamamagitan ng pagsa-shopping.


Samantala, ipinaalala naman sa publiko na mag-ingat sa mga bibilhing laruan para sa mga bata matapos madiskubre ng isang grupo ang105 piraso ng laruan na pawang imported at walang dokumento. Ayon sa grupo, ang mga laruang ito ay positibong may taglay na panganib sa kalusugan ng kabataan dahil sa led content na maaaring makalason sa utak ng bata.


Bagama’t tayo pa rin naman ang magdedesisyon hinggil sa mga panregalo para sa ating kapamilya, kaibigan o inaanak, mas mabuti pa ring iangkop natin ito sa kasalukuyang sitwasyon.


‘Yun nga lang, dapat nating tiyakin na talagang mapakikinabangan ito.


‘Ika nga, ‘di naman kailangang mamahalin ang regalo dahil ang importante, makatutulong ito sa ating mga mahal sa buhay.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page