Panoorin lang ang MMFF movie nila ni Boyet… VILMA, MAGBEBENTA NG TIKET SA MGA SINEHAN
- BULGAR
- Dec 20, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | December 20, 2023

Bukas, December 21, ay makiki-join si Vilma Santos-Recto kasama ang ibang cast ng When I Met You in Tokyo sa pagbebenta ng tickets sa SM North EDSA cinema lobby.
Yes, bahagi pa rin ito ng promo ng MMFF entries (kani-kanya silang iskedyul ng ibang artista like Mega Sharon at Alden Richards, etc.) para mag-advance ticket selling sila.
Ang mga kapwa Vilmanians o Vilmates na nag-organisa na ng mga block screenings (from December 25 to 27) sa iba't ibang sinehan ay magpapakitang-puwersa na naman at nang-eengganyo ng ibang mga millennial at Gen Z para suportahan ang pagbebenta ng tickets ni idol-friend-kumareng Star for All Seasons at mga kapamilya sa WIMYIT.
Iba na talaga ang panahon ngayon at mga kaparaanan para magkatulungang ibalik ang ningning ng mga pila ng tao sa mga sinehan.
Sana nga lang talaga ay nag-adjust din ang mga ticket prices para naman maka-afford ang mas marami na makapanood pa ng ibang entries kung hindi man ang sampung entries sa darating na Dec. 25 to January 7.
Kita-kits po tayo sa SM North EDSA cinema lobby ngayong December 21 with Ate Vi.





Comments