Panira sa love team kay David… JAK, BAWAL MUNANG IDISPLEY NI BARBIE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 4, 2023

Napagkasunduan ng magkasintahang sina Barbie Forteza at Jak Roberto na huwag munang mag-post sa social media ng kanilang larawan na magkasama. Ito ay upang hindi ma-disappoint ang mga fans ng tambalang FiLay (Fidel-Klay) nina Barbie at David Licauco.
Malakas sa mga fans ang tandem na Fidel at Klay na nabuo sa historical seryeng Maria Clara at Ibarra. Tinangkilik ng mga viewers ang kanilang love team kaya ibinalik si Barbie (Klay) sa El Filibusterismo upang muli silang magkita ni Fidel (David).
Naiintindihan ni Jak ang sitwasyon ng nobya. Artista rin naman siya na ipinapareha sa iba. Kaya kung nagustuhan ng mga viewers ang love team nina Barbie at David, hindi siya magiging hadlang.
Malaki ang tiwala ni Jak Roberto kay Barbie at kaibigan niya si David Licauco.
Para rin naman sa career ni Barbie ang lahat at willing siyang suportahan iito. Basta ang mahalaga ay hindi nagbabago ang kanilang magandang relasyon sa isa’t isa.





Comments