top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Panira raw sa career… JERIC, SINABON NG GMA-7 SA KUMALAT NA SCANDAL SA KAPWA LALAKI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 14, 2022




Naging talk of the town nga recently si Jeric Gonzales dahil sa kissing scandal niya sa kapwa lalaki na kumalat sa social media. Naging malaking issue rin ang breakup nila ni Rabiya Mateo nang dahil sa nasabing kissing scandal.


May naging paliwanag naman dito ang Kapuso actor. Pero 'yung tungkol sa breakup nila ni Rabiya ay wala pang kumpirmasyon kung for good na ang kanilang paghihiwalay. Lagi kasing away-bati ang kanilang relasyon at nauuwi sa balikan. Sincere naman si Jeric sa nobyang beauty queen.


Samantala, isang reliable source ang nagsabing pinagsabihan-binalaan na si Jeric ng GMA Network tungkol sa lumabas niyang kissing scandal. Makakasira raw ito sa kanyang imahe at tiyak na maaapektuhan ang kanyang career.


Inaalagaan ng GMA-7 ang image ng kanilang mga artista. At anumang iskandalo at negative issue ay tiyak na makakaapekto sa kanilang career.


For sure, magiging maingat na si Jeric Gonzales sa kanyang private matters. Dapat niyang isipin na artista siya na laging nasisilip ng lahat ang kilos at mga activities.


Kailangan na maging maingat siya sa lahat ng sandali. Sayang naman kung ang kanyang career na pinaghirapan ay basta na lang mawawala nang dahil sa iskandalo!!


At hindi lahat ay nabibigyan ng malaking break at magagandang projects sa GMA Network. Dapat niyang pahalagahan ang kanyang career.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page