Panira lang daw… KRIS, GUSTONG IKAMPANYA ULI ANG KAKAMPINK, MGA SENADOR TODO-KONTRA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 8, 2022

May plano pala uling umakyat sa entablado si Kris Aquino para sa campaign rally ng Kakampink.
Ito ang ibinalita ni Nanay Cristy Fermin kasama ang co-host niyang si Romel Chika sa Cristy Ferminute kahapon nang tanghali, Huwebes, sa Radyo5 92.3 News FM.
May source raw mula sa Kakampink ang nagbulong kay ‘Nay Cristy na
humahanap ulit ng tiyempo si Kris para makaakyat sa entablado sa susunod na campaign rally nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na kumakandidatong presidente at bise-presidente.
“May nagkuwento sa akin na si Kris pala, humahanap lang ng tiyempo para umakyat ulit sa isa pang entablado de kampanya ng Kakampink.
“Ngayon, nu’ng makarating daw ‘yung kuwento sa mga senador, halos lahat sila ay kumontra.
“Nu’ng una, nag-aalala sila para sa kalusugan ni Kris. ‘Yung health niya, alam naman natin na nangangailangan siya ng matinding pahinga at gamutan. Siyempre, ‘yung mga senador, ayaw nila dahil baka nga naman ano ang mangyari kapag umakyat na naman siya tulad nu’ng nauna sa Tarlac, 'di ba?
“Pero kung hahalukayin natin ang dahilan kung bakit ayaw nila (mga senador), nasisira ‘yung programa nila. ‘Yun ang totoo!
“May mga nakaplano silang programa, sunud-sunod, hindi po ‘yun natutupad at nagaganap dahil parang si Kris ang sumisira ru'n sa kanilang kampanya,” mahabang kuwento ng host at manunulat.
Sinang-ayunan naman ito ni Romel Chika dahil sa nakaraang Tarlac campaign rally ng Kakampink ay kitang-kitang nag-aalala ang mga senador na nasa likuran noon habang nagsasalita si Kris na tila naguguluhan, "Ano'ng nangyari?"
Hirit ni ‘Nay Cristy, “Nag-aalala kasi sila, lahat naman tayo, nag-aalala para sa kanyang health, 'di ba? Eh, aakyat na naman siya. Eh, sandamakmak na tao na naman ang makakahalubilo niya.”
Pero ang totoo ay hindi raw nakakatulong si Kris dahil nasisira ang programa.
Sabi rin ni Romel Chika, “'Di ba nga ‘Nay, may mga nagsabi na hindi nakatulong ang pag-akyat niya sa stage kundi nakabawas pa raw.”
Sang-ayon din dito si ‘Nay Cristy, “Actually, naging nega ang rebyu, 'di ba?”
Dagdag pa, “Lahat ng lumabas, puro kanegahan at ang konklusyon nila, hindi nakatulong kundi nakapanira pa ng boto na dapat kanila na, parang ganu’n. Ewan ko, ha, kung kilala ko si Kris, matigas ang ulo niya. What Kris wants, Kris gets, parang ganu’n. Pero kung ako kay Kris, ‘wag na (umakyat sa stage), pahinga ang kailangan niya ngayon.”





Comments