Panic pa more sa bagong covid variant
ni Ka Ambo - @Bistado | November 28, 2021
Nagpa-panic ang buong mundo sa bagong COVID variant na Omicron.
Nakupo!
◘◘◘
ERENG mga Pinoy, patuloy pa rin ang motorcade at caravan.
Huwag sanang magkahawahan!
◘◘◘
HINDI kayang pigilin ng gobyerno ang paglalamyerda ng mga Pinoy ngayong Kapaskuhan.
Para silang nakawala sa kural!
◘◘◘
INAASAHANG magpapaluwag sa ekonomiya ang paggala ng mga tao.
Sana na!
◘◘◘
MARAMI na ring estudyante ang nalagyan ng bakuna.
Preparasyong ito sa face-to-face classes.
Huwag sanang mausyami!
◘◘◘
KAAWA-AWA naman ang mga estudyante kapag tinamaan ng COVID-19.
Masisisi ang gobyerno!
◘◘◘
AMINADO ang mga titser at magulang na walang gaanong natutuhan ang mga bata sa online class.
Nagbakasyon lang sila nang dalawang taong singkad!
◘◘◘
MARAMI namang dumaraing na obrero na naalipin sa work from home scheme.
Ibinilanggo sila sa sarili nilang bahay!
◘◘◘
SA pag-upo ng bagong pangulo sa 2022, pangangasiwaan niya ang kakaibang henerasyon.
'Yan ay aktuwal na “Bagong Lipunan”!
◘◘◘
ANG lahat ng transaksiyon ay naka-online.
Wala nang aktuwal na “cash”.
Lahat ay online-payment!
◘◘◘
LUGI rin ang mga mall at palengke.
Kasi’y online trading with delivery!
◘◘◘
MABABAWASAN nang malaki ang tellers sa mga bangko.
Mababawasan din ng malaki ang bilang ng mga salesclerk!
◘◘◘
ANG holdaper sa kalye ay mawawalan ng delihensiya.
Wala na kasing kartomeda o wallet ang mga tao!





Comments