Panibagong tapyas sa produktong petrolyo
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
ni Lolet Abania @News | April 17, 2026

Asahan na ng mga motorista ang isa pang malaking pagbawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.
Base sa Mean of Platts Singapore (MOPS) trading sa nakalipas na apat na araw at sa foreign exchange averages, sinabi ng isang source sa industriya ng langis na magkakaroon ng posibleng rollback para sa diesel at gasolina sa susunod na linggo.
Ang tinatayang pagtapyas sa retail prices ng mga produktong petrolyo ay sa diesel, P17.00 hanggang P19.00 kada litro, gasolina na P2.00 hanggang P3.00 kada litro.
Ang MOPS ay ang average ng pang-araw-araw na price assessments para sa mga produktong petrolyo (tulad ng gasolina at diesel) kung saan traded sa Singapore, na nagsisilbing regional hub para sa Asian oil trading.




Comments