top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Panibagong 500,000 doses ng Sinovac, dumating na sa bansa

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 01, 2021



Dumating na ang panibagong 500,000 doses ng Sinovac.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


NAKAPASOK na rin ang bagumbagong 15,000 doses ng Sputnik V vaccine ng Russia.


Yipeee!


◘◘◘


KINUKUWESTIYON ang pamamahagi ng libreng Ivermectin ng dalawang kongresista.


Sa FDA ba o sa Comelec dapat magsumbong?


◘◘◘


NAGSIMULA na ang rehistrasyon ng National ID.


Panic na naman ang mga naka-red tag!


◘◘◘


MARAMI pa rin ang hindi gaanong nakakakilala kina Lapu-Lapu at Ferdinand Magellan.


Sa panahon ng pananakop ng ‘Kano, ang mga libro ay nakatuon sa pagiging “bayani” ni Magellan na ipinapakilala bilang “nakadiskubre” sa Pilipinas.


Mali ang inilalarawan sa mga sinaunang aklat!


◘◘◘


KUMBAGA, minamaliit ng mga kolonyalistang ‘Kano ang pagpatay ni Lapu-Lapu kay Magellan at may ilang pagkakataong inilalarawan pa siyang kontrabida.


Sa pananaw ng mga taga-Europe, minarder ng Kayumanggi ang nag-circumnavigate ng daigdig!


◘◘◘


SA pananaw ng mga taga-Europe kung saan naging duyan ng sibilisasyon at karunungan, hindi bayani si Lapu-Lapu bagkus ay kontrabida.


Ang kontekstong ito ang nakaimpluwensiya sa mataas na opisyal ng gobyerno na sabihing si Magellan imbes na si Lapu-Lapu ang “unang bayani” ng Pilipinas.


Hindi natin siya “masisisi”, bagkus ay ang mga propagandistang kolonyal!


◘◘◘


SINA Lapu-Lapu at Magellan ang unang “Susan vs Amalia” at “Nora kontra Vilma”.


May grupong umiidolo kina Amalia at Vilma laban sa mga umiidolo kina Susan at Nora!


◘◘◘


HANGGANG ngayon, sinasaliksik pa rin kung sino talaga si Lapu-Lapu dahil kapos ang impormasyon sa kanya.


Mas malilinaw ang impormasyon sa iba pang “datu” na nakaribal niya sa popularidad!


◘◘◘


KAPOS ang impormasyon din sa aktuwal na eksena sa “labanan sa Mactan”.


Binabanggit dito ang bolo laban sa mga baril pero hindi sinusuri ang istorya kung ginamit dito ang “arnis de-mano” na imbes na patpat ng kawayan—ay aktuwal na gulok ang hawak sa dalawang kamay ng mga tauhan ni Lapu-Lapu!


◘◘◘


MASAYANG balikan ang kasaysayan, pero hindi ito pinaprayoridad ng gobyerno.


Wala kasing mananakaw sa pagtungkab ng kasaysayan kaya’t ang pagdambong sa kaban ng bayan ang higit na inaatupag!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page