top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pangulong Jokowi ng Indonesia, mapapalitan na

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 14, 2024




JAKARTA, Indonesia – Nagsimula na ang botohan sa Indonesia ngayong Miyerkules, sa mga silangang rehiyon ng bansa, kung saan nakatuon ang eleksyon sa susunod na pinuno pagkatapos ni Joko Widodo, ang popular nilang presidente.


Halos 259,000 kandidato ang naglalaban-laban para sa 20,600 puwesto sa buong 17,000 isla sa pinakamalaking single-day election sa mundo.


Nakikipagtunggali ang dalawang dating gobernador na sina Ganjar Pranowo at Anies Baswedan, laban sa kontrobersyal na pinakamalakas na kandidato na si Prabowo Subianto, isang dating commander ng special forces na kinatatakutan noong 1990s bilang pangunahing kalihim ng yumaong diktador ng Indonesia na si Suharto.


May anim na oras ang mga botante upang bumoto. May tatlong time zone ang Indonesia at nagsimula nang magbukas ang mga presinto ng botohan sa silangan habang malapit nang matapos ang botohan sa kanluran bago mag-0600 GMT.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page