Panghabambuhay na raw pero… MCCOY AT ELISSE, 'DI PA HANDANG MAGPAKASAL

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 5, 2022

Kahit may baby na ngayon ang real-life couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon, ang lakas pa rin ng chemistry nila onscreen at napansin namin 'yun sa trailer ng kanilang latest movie titled Habangbuhay na ipapalabas sa Vivamax Plus sa April 20 at sa Vivamax on April 22.
May kilig pa rin ang tambalang McLisse na for sure, matagal nang nami-miss ng kanilang mga fans dahil 2019 pa ang huli nilang pinagsamahang pelikula, ang Sakaling Maging Tayo.
Sa Zoom mediacon ng Habangbuhay kahapon, natanong sina McCoy at Elisse kung tulad ng title ng kanilang movie ay pang-habambuhay na rin kaya ang relasyon nila?
Pareho naman ang naging sagot ng dalawa na pang-forever na nga sila.
Pero nang matanong namin kung kelan naman kaya ang kasalan at kung may mga plans na ba sila, ipinaliwanag nina McCoy at Elisse na may plano naman pero sa ngayon ay nag-iipon pa raw sila kaya hindi pa handang magpakasal.
Well, sa nakikita naman namin kina McCoy at Elisse, mukhang love na love talaga nila ang isa't isa at sabi nga nila, hindi man perfect ang kanilang relasyon, sinisikap nilang gawin ang lahat para malagpasan ang mga challenges na dumarating sa kanila.
Anyway, ang Habangbuhay movie nila na directed by Real Florido ay tungkol sa istorya ng babaeng (Bea) dahil sa sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID), mababa ang proteksiyon ng katawan laban sa iba’t ibang impeksiyon, kaya naging taong-bahay na lamang.
Pero live streaming ang kanyang paraan para makasalamuha ang ibang tao. Sa kabila ng lahat, masasabing maayos pa rin ang lagay ni Bea. At dahil kay JR (McCoy) na houseboy nila, lalo pa siyang sumasaya.





Comments