top of page
Pokwang.jpg

Pangarap daw simula bata… KEN, 5 GAS STATION ANG NAIPATAYO SA 3 BUWAN LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2020
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 30, 2020




Lubos ang pasasalamat ng Kapuso actor na si Ken Chan sa blessings na kanyang natanggap ngayong 2020. Bukod sa kabi-kabilang proyekto, natupad ni Ken ang kanyang childhood dream na magkaroon ng sariling gasoline station. Bonus pa na hindi lang isa kundi limang gasoline stations ang naipatayo niya sa loob lamang ng tatlong buwan.


"Nasa isip ko siya noong bata pa lang ako. Sobrang blessed talaga 'ko ngayong 2021 and pati na rin 2020. Despite ng mga nangyari sa atin na pandemya, still, nagawa ko pa rin po na tuparin 'yung pangarap ko na magkaroon ng gasoline station," kuwento ni Ken.


Samantala, mas magiging abala ang aktor sa year 2021 sa pagsisimula ng taping ng pagbibidahan niyang upcoming GMA drama series na Ang Dalawang Ikaw kung saan gaganap siya bilang isang lalaking may kalagayang tinatawag na dissociative identity disorder (DID).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page