top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pangangasiwa ng water supply sa subdivision

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 10, 2021



Dear Chief Acosta,

Obligado ba ang aming homeowner’s association na i-administer ang supply ng tubig ng aming subdivision? – Bebs


Dear Bebs,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 10 (g) ng Republic Act (R. A.) No. 9904, o mas kilala sa tawag na The Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations, kung saan nakasaad na:


Section 10. Rights and Powers of the Association. – An association shall have the following rights and shall exercise the following powers:


x x x


(g) Ensure the availability of quality water services at a reasonable price and at its option, administer and manage the waterworks system of the subdivision;” (Binigyang-diin)


Samakatwid, hindi obligado, ngunit binibigyan ng batas ng kapangyarihan ang homeowners’ association upang pangasiwaan ang water service ng kanilang subdivision.


Ibig sabihin, maaaring pangasiwaan ng inyong homeowners’ association ang supply ng tubig sa inyong lugar, kung ito ay kanilang nanaisin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page