top of page
SPECIAL - HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME_FB Heart Evangelista.jpeg

Panganay nina Manny at Jinkee… JIMUEL, IKINASAL NA SA MADIR NG ANAK SA US

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 14, 2026



WINNER - JIMUEL, IKINASAL NA SA MADIR NG ANAK SA US-IG _jinkeepacquiao

Photo: IG _jinkeepacquiao



Ikinasal na ang panganay na anak nina boxing champ Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao.


Ang Mexican-American na si Carolina Pimentel ang napangasawa ni Jimuel. Born and raised sa Los Angeles, California, USA ang misis ni Jimuel at ina ng kanyang first baby na si Clara.


Halos kumpleto ang pamilya ni Jimuel, lalo na ang kanyang lola na si Mommy Dionisia Pacquiao, sa ginanap na wedding sa Pechanga Resort Casino sa Los Angeles, USA.


Special request daw ni Jimuel na dumalo sa kanyang wedding si Mommy D., habang ang ina ni Jinkee na si Rosalina Jamora ay sa LA na rin nag-celebrate ng kanyang 70th birthday.


Hindi naman napigilan nina Jinkee at Jimuel na umiyak nang makita ang mga old photos nilang mag-ina sa big screen habang nasa platform.


Walang masyadong celebrities sa wedding ng anak nina Manny at Jinkee. Kunsabagay, sila pa lang mag-asawa ay more than enough na para pag-usapan ang kasal nina Jimuel at Carolina.


Best wishes sa bagong kasal!





PERSONAL na nagpunta si Gerald Anderson sa General Santos City (GenSan) para magbigay ng tulong at kumustahin ang kanyang mga kababayan doon.

Marami ang naging biktima sa nangyaring napakalakas na lindol sa mga lalawigan sa Mindanao kamakailan.


Proud na itsinika ni Gerald sa social media na isa siya sa mga kasama ng mga sundalo na namigay ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng malakas na lindol.


Caption ni Gerald, “I got to witness today ang tunay na kabayanihan spirit mula sa mga uniformed men and women at sa mga civilian volunteers. When our fellow countrymen need help, the country comes together. I witnessed that today. Bangon Gensan... Bangon Sarangani... Happy Independence Day.”


Umani ng papuri ang bida sa Kapamilya action-drama series na Blood vs. Duty (BVD) mula sa mga netizens sa comment section ng kanyang latest IG post.

Sey ng mga netizens:


“Consistent talaga si Gerald sa pagtulong.”

“Yes! And he lives in GenSan, too.”

“That’s why I love you, Ge! You have a very big heart.”

“Good job, Gerald.”


In fairness kay Gerald Anderson, isa talaga siya sa mga magigiting na artistang lalaki sa showbiz na present kapag may mga sakuna.


1 Comment


Nia Michel
Nia Michel
4 hours ago

What I appreciate most is the commitment to keeping readers updated on a regular basis. Lottery results are something that thousands of people follow closely, and accurate reporting helps build trust with convert blur image to clear readers. The inclusion of official sourcing is also important because it gives confidence that the information being shared is based on verified results rather than rumors or unofficial reports. Transparency and reliability are essential when publishing this type of content.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page