top of page

Panganay nila ni Jessy, ‘di pa game sa isa pang baby… LUIS, BABAE ANG GUSTONG MAGING KAPATID NI PEANUT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 59 minutes ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 3, 2025



Luis Manzano

Photo: File / Luis Manzano


Na-touched ang entertainment press sa effort ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na magbigay ng thanksgiving party kahapon para maiparamdam ang kanilang pasasalamat sa mga naitulong sa kanilang career.


Sabi nga ni Luis, bata pa siya ay nakikita na niya ang mga veteran reporters na kaibigan ng kanyang Mommy Vilma Santos at naa-appreciate niya ang mga nagawa ng mga ito sa kanyang ina at sa kanya na rin nang pumasok siya sa showbiz, ganu'n din sa misis niyang si Jessy.


At the same time, birthday treat na rin ito ni Jessy na nagse-celebrate ng kanyang birthday today, Dec. 3.


Anyway, nai-share ng ideal couple na ito na next year pala ay magte-10 yrs. na silang in a relationship – 5 yrs. munang BF-GF at magpa-5 yrs. na nga ring kasal.

At inamin nilang sa 10 yrs. na ‘yun, super-dami na nilang napagdaanan na nagpatibay sa kanilang relasyon.


Natanong namin ang mag-asawa kung may mga natutuklasan pa rin ba sila sa isa't isa na hindi nila nakita nu'ng BF-GF pa sila.


Si Jessy ang unang sumagot na wala na raw dahil kilalang-kilala na niya si Luis, lalo na ‘pag kailangan nito ng suporta.


Quiet type raw kasi ang mister at kahit sobrang bigat na ng problemang dinadala nito, hindi nagsasabi sa kanya para hindi na siya madamay sa stress.


Like this year daw kung saan alam naman nating hindi pinalad si Luis sa pulitika nang tumakbong vice-governor sa Batangas, buong energy daw ni Jessy ang ibinigay niya sa mister with the support of Luis’ family kaya nalagpasan naman ito ng TV host-actor.


At ngayon daw, natutunan na rin naman ni Luis na puwede pala siyang maging vulnerable kay Jessy at i-share rito gaano man kabigat ang kanyang pinagdaraanan.

Pag-amin naman ni Luis, “Ako, ang natutunan ko sa kanya, may iaangat pa pala ‘yung kanyang pag-aalaga at pagmamahal.”


Naikuwento ni Luis na nu'ng nagkaroon kasi siya ng issue sa pera kung saan naakusahan pa siyang nanloko noon ng ibang tao, never siyang iniwan ni Jessy kahit may post-partum pa itong pinagdaraanan at grabe raw ang suportang ibinigay nito sa kanya. So, du'n niya raw talaga nakita kung gaano siya kamahal ni Jessy.


Samantala, natanong namin ang mag-asawa kung kelan nila balak magkaroon ng Baby No. 2 dahil marami na ngang excited na makitang may baby sister o brother na ang panganay nilang si Isabella Rose o Peanut.


Kuwento ni Luis, minsan ay tinatanong niya si Peanut kung gusto na ba nitong maging ate at ang sagot daw ng super cute na bagets, “No,” dahil feeling nga nito ay prinsesa siya ng kanyang parents.


Sabi naman ni Luis, may nabasa siyang article na bumabait daw ang isang tao kapag may kapatid na babae.


Oooh, so ‘yun na! Kaya kung magkaka-baby uli sila ni Jessy, mukhang baby girl uli.

Abang-abang na lang tayo, mga Ka-BULGAR!




Kahit todo-push ang fans…

GERALD, ‘DI NA FEEL MAKIPAGBALIKAN KAY KIM



IN the mood naman si Gerald Anderson nang magpa-interview sa press after ng mediacon ng kanyang MMFF entry na Rekonek kaya sinagot naman ang ilang tanong kahit pa tungkol sa personal niyang buhay.


Isa nga sa mga naitanong namin sa kanya dahil Rekonek ang title ng movie niya ay kung may chance pa ba silang “marekonek” ng ex niyang si Kim Chiu.


Nabuhay na naman kasi ang pag-asa ng mga KimErald nang makitang okay na sila ni Kim na magkasama sa Christmas special ng ABS-CBN.

Kaya ang tanong ng mga fans, may chance pa bang marekonek sila ni Kim in the future?


Sagot ni Gerald, naa-appreciate niya ang mga fans nila ni Kim dahil kung wala ang suporta ng mga ito noon, wala rin sila ngayon.


Although, dagdag niya habang nagkikibit-balikat, “Kontrolado ko ang buhay ko, ‘yun lang ang kontrolado ko. Hindi ko kontrolado ‘yung opinyon n'yo, opinyon ng ibang tao, but I'm always grateful sa lahat ng suporta.”


So, KimErald, read between the lines na lang, pero kami sa pagkakaintindi namin, okay na sila ngayon ni Kim na may kani-kanyang buhay na.



NAG-IIMBITA ang kaibigang Rein Escano para sa concert for a cause para sa kanyang sakit na ang title ay Rein, Ang Bato na magaganap sa Dec. 5 sa Music Box, Timog, QC at 6 PM.


Sa tulong ng mga kaibigan niyang celebrities na boluntaryong magpe-perform sa concert tulad nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, One Verse, Ara Mina at marami pang iba, thankful si Rein sa suporta ng mga ito para sa kanyang pagpapagamot.


So sa mga gustong manood at makatulong, gora na lang kayo sa Dec. 5 sa Music Box and enjoy!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page