PANGANAY NI CLAUDINE, TODO-RAKET NA PARA MAGKADATUNG
- BULGAR
- Feb 22, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 22, 2023

Ipinakita ni Claudine Barretto ang photocards ng mga Korean pop idols na ibinebenta ng anak na si Sabina o Sab.
Ipinost ito ng Optimum Star sa kanyang Instagram page at bumilib ang mga netizens sa panganay ni Claudine Barretto. Bata pa raw ang bagets ay marunong nang gumawa ng paraan para kumita ng sarili niyang pera.
Ani Clau, "My daughter is selling BTS photocards. So proud of you."
Samantala, may mga nagtatanong tuloy kung hindi na ba nagsusustento si Raymart sa mga anak nila ni Claudine kaya dumidiskarte na para magkapera si Sabina.





Comments