Panganay, 1 yr. and 2 mos. old na… ZANJOE, GIRL ANG DASAL NA NEXT BABY NILA NI RIA
- BULGAR
- 18 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 22, 2025

Photo: IG _ria
Pinaiyak na naman nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ang mga manonood sa pagbabalik nila sa big screen via the movie UnMarry na isa sa 8 official entries sa Metro Manila Film Festival 2025.
Ginanap ang premiere night ng movie last Saturday sa Ayala Malls Trinoma na dinaluhan nina Zanjoe, Angelica at iba pang cast na sina Eugene Domingo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, Nico Antonio, Donna Cariaga, Shamaine Buencamino at Zac Sibug.
Hindi binigo ni Angelica ang moviegoers sa kanyang comeback film dahil marami na naman siyang pinaiyak, gayundin si Zanjoe na ang mature na ng akting at hinog na hinog na bilang aktor.
Aminado si Z (tawag kay Zanjoe) na malaking tulong ang pagkakaroon niya ng pamilya sa paglalim ng acting niya dahil parent na rin siya ngayon kaya naka-relate sa kanyang role na si Ivan na ipinaglalabang mabuo pa ang kanilang pamilya ni Solenn kahit umabot na sa annulment.
After ng screening, tinanong namin si Zanjoe kung may balak na ba silang sundan ng misis na si Ria Atayde ang kanilang first baby boy na 14 months old na pala ngayon.
Nakangiting sagot ng magaling na aktor, “Naku! Ako naman, kasi ano (ang paniniwala), ‘di ba, the more, the merrier lalo na kung meron kang isang cute na panganay, bakit hindi?”
Baby girl naman?
“Sana,” aniya sabay tingin sa itaas na parang nananalangin.
Although hindi naman daw sila nagmamadali dahil ine-enjoy pa rin nila ang kanilang anak ni Ria na hanggang ngayon, ‘di pa rin nila ipinapakita in public ang face ng bagets.
When asked kung bakit ayaw pa rin nilang mag-post sa social media ng photo ng baby boy nila na kayguwapo naman (ipinakita na sa amin ni Ria noon privately), ani Zanjoe, hindi raw kasi niya makita ang rason kung bakit kailangan nilang gawin ito dahil ‘di pa rin naman naiintindihan ng bata sakali mang i-post nila sa socmed ang photo nito.
Hihintayin na lang daw nilang magkaisip na ito at siya ang mag-decide para sa sarili.
Samantala, naging emosyonal naman si Angelica sa mga papuri sa kanyang acting at touched na touched siya dahil marami pa rin ang sumusuporta sa kanya kahit matagal siyang nagpahinga sa showbiz para sa kanyang pamilya.
Bilib din kami sa professionalism ni Angelica na pumayag pa rin sa kissing scene kay Zanjoe kahit may asawa't anak na. May ilang aktres kasi sa showbiz na ayaw na sa kissing scenes kapag may asawa't anak na.
Bukod kina Angelica at Zanjoe, stand-out din ang performance nina Eugene Domingo at Tom Rodriguez sa UnMarry.
Consistent talaga ang pagiging magaling na aktres ni Uge na panalo lagi ang mga eksena at punchlines.
Sobrang mabubwisit ka naman kay Tom Rodriguez na ang ganda ng role at nabigyan niya ng justice. Bagay na bagay sa kanya ‘yung controlling husband na grabeng mangmaliit sa asawa.
Sabi nga ni Tom nang mainterbyu namin, maging siya ay nabwisit nang mapanood ang sarili sa movie.
Pero nilinaw niyang exactly opposite ng kanyang role ang Tom Rodriguez in real life.
Wala rin daw siyang pinagdaanang court battle tulad ng kanyang role sa movie.
Pero aminado siyang iyak nang iyak sa mga eksena nina Zanjoe at Angelica at affected talaga sa movie.
Sa ngayon, happily married na pala si Tom sa nanay ng kanyang anak. Sayang nga at ‘di sila nagkita ng kanyang ex-wife na si Carla Abellana sa Parade of Stars, pero sure naman si Tom na pareho na silang happy ni Carla at naka-move on na.
Palabas na sa Dec. 25 ang UnMarry mula sa direksiyon nina Chris Martinez at Jeffrey Jeturian.




